Biyenan mo, Sarah, umaariba… 'DEVIL WOMAN' NA BLIND ITEM NI ANNABELLE, NAGLOKO SA ASAWA
ni Ambet Nabus @Let's See | December 14, 2023

Photo : Sarah Lahbati
Kung si Sarah Lahbati man ang tinutukoy na "devil woman" ni Tita Annabelle Rama kaugnay ng Gone Girl movie, grabeng nakakaloka ang ini-imply nito, huh!
Sa naturang 2014 Hollywood movie na pinagbidahan nina Ben Affleck at Rosamund Pike (as Amy Dunne) bilang mag-asawa, inilalarawan si Amy Dunne bilang "psychopath."
Ang sabi pa sa kuwento, "She is calculated, vindictive, cunning and seemingly lacks remorse for her actions. She is always three steps ahead of everyone around her and will stop at nothing to get what she wants."
Na-release sa Phils. ang movie noong Oct. 2, 2014 sa direksiyon ni David Fincher, pero sa Netflix namin ito paulit-ulit na napanood at since Ben Affleck fan kami, sa kanya kami mas nag-sympathize.
And yes, sa movie nga ay si Anne ang nagloko sa kanyang asawang si Ben (as Nicholas Dunne). Tunay na "devil woman" kung tutuusin talaga dahil may mga "patayan scenes" dito para pagtakpan ang kasinungalingan ni Anne, with all those media frenzy, etc.
Ano kaya ang konek nito sa statement ni Tita Annabelle ngayong 2023, mga Ka-Bulgar, lalo't siya mismo ang nagsasabing panoorin natin ang Gone Girl?





Comments