top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bitin pa sa mga anak… EDU AT CHERRY PIE, GUSTUNG-GUSTONG MAGKA-BABY

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 16, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida |February 16, 2022





Seryoso at mukhang pang-forever na ang relasyon nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache kung ganitong gusto ni Edu na magka-baby sila ni Pie, kung mabibigyan daw ng pagkakataon.


Sinagot ni Edu ang tanong ng isang fan sa vlog ng GF sa YouTube channel na napanood noong February 12 kung gugustuhin pa niyang magkaroon ng baby.


“Who wouldn’t want babies? I’d love to have one, oo naman,” sagot ni Edu at naikuwentong hindi natupad ang dream niyang maisayaw ang anak na babae na si Addie sa debut nito dahil sa halip na party, mas ginustong magpunta sa Boracay. Pinaghandaan daw niya ang debut ng anak at nag-dancing lessons pa siya.


Gusto rin ni Cherry Pie na magka-baby uli, lalo at isa lang ang anak niya. Kinilig ang mga nanood ng vlog sa sinabi ni Cherry Pie na “Lalo na ako. I only have one. It would be nice.


Siguro, ang ganda ng anak namin, ‘no?”


Sabi pa ni Edu sa vlog, “We are not seeking anyone’s approval. Nothing to hide – we’re just being ourselves.”


So far, walang kumokontra sa relasyon nina Edu at Pie, lahat nga ay kinikilig.


Saka, maisasayaw pa naman ni Edu si Addie sa wedding nito dahil engaged na ang anak, na nakilala ni Cherry Pie nu'ng nasa Amerika sila ng BF.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page