Bisyo na ‘to! MIKAEL AT MEGAN, TODO-BAKASYON ABROAD KAHIT WALANG KAYOD
- BULGAR

- 9 minutes ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 22, 2026

Photo: Megan Young at MIkael Daez - Instagram
Nalilibang nang husto si Megan Young sa pag-aalaga sa anak nila ni Mikael Daez, kaya naman hindi pa niya naiisip ang pagbalik sa telebisyon. Sa mga posts ng former beauty queen-aktres ng kanilang larawan sa social media, kitang-kita na masaya sila at feeling fulfilled and contented bilang ina at misis.
At dahil pareho sila ni Mikael na mahilig mag-travel abroad, naisasama pa nila ang kanilang baby. Pero nagtataka ang ilang mga netizens kung papaano natutustusan ni Mikael Daez ang kanilang mga biyahe abroad, eh, pareho naman sila ni Megan na jobless ngayon.
Well, baka naman may naipon silang pantustos sa kanilang mga trips abroad. May mga endorsements naman sila bago sila nagpakasal at masipag din silang mag-vlog at nagla-live selling din.
Ang pagbabakasyon sa iba’t ibang bansa ang kaligayahan nina Megan Young at Mikael Daez, at sulit na sulit naman dahil marami silang happy memories kasama ang kanilang anak.
KAHIT hindi natuloy ang naka-schedule sanang world tour ng Sexbomb Girls (SBG) dahil sa giyera sa Iran, punumpuno pa rin ang schedule nila dahil ang daming imbitasyon mula sa mga key cities.
Pagkatapos ng Cebu, Davao at Baguio, may tinanggap din silang shows sa Laguna at iba’t ibang lalawigan na nagse-celebrate ng kapistahan.
Kadalasan ay hindi sila kumpleto at hindi nabubuo ang SBG, pero kailangang hatiin ang grupo upang mapagbigyan ang lahat ng imbitasyon. Merong apat o lima lang na pumupunta sa isang event, pero masaya pa rin ang mga tao na makitang nagpe-perform ang SBG sa stage. Nagsasayawan ang lahat kapag nagpe-perform na sila.
At tama ang sabi ni Sexbomb Sunshine Garcia na marami siyang booking na shows ngayon at kumikita nang malaki. Kaya naman okey lang na hindi muna magbigay sa kanya ng suweldo ang mister niyang si Bulacan Vice-Gov. Alex Castro. Itutulong daw muna ni VG Castro sa mga drivers na naapektuhan sa pagtaas ng gasolina ang kanyang suweldo.
Mister, gustong usap agad…
SARAH, AYAW MUNANG KAUSAPIN SI MATTEO ‘PAG BAD MOOD
MAGKAIBA pala ang atake ng power couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli kapag sila ay may away o tampuhan. Ang gusto ni Matteo ay agad pag-usapan at lutasin ang kanilang problema bago matulog, samantalang si Sarah ay mas gusto munang manahimik at palipasin ang kanyang bad mood bago sila mag-usap ng kanyang mister.
Kabaligtaran naman ito ng sitwasyon nina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Si Jessy ay confrontational at ayaw patagalin kung may hindi sila napagkakasunduan, pero si Luis ay ayaw munang pag-usapan ang problema. Pinapalamig muna niya ang kanilang issue bago sila mag-usap nang masinsinan.
So far, pareho namang okey ang sistema nina Matteo at Sarah dahil 6 years na silang kasal at wala namang major fights na nababalita.
Very supportive husband si Matteo sa Popstar. Low profile at submissive wife naman si Sarah at hindi ipinararamdam sa kanyang mister na mas malaki siyang artista.
Ganoon din naman ang pagsasama nina Luis at Jessy. Sa kabila ng pagiging hyper at makulit ng aktor-host, nakaalalay lang sa kanya ang misis kaya nananatiling matatag at masaya ang kanilang marriage.
ANG saya-saya ng 79th birthday celebration ng National Artist na si Ricky Lee na ginanap sa Greenmeadows 3 Clubhouse. Dumating ang halos lahat ng batch ng mga workshoppers. Nagkaroon ng short program hosted by Kara David na nag-seminar din pala kay Ricky Lee ng scriptwriting.
Naroroon din sina Iza Calzado, Cherry Pie Picache, Cristine Reyes, Kylie Padilla, JC Santos, Agot Isidro, Elijah Canlas, Miles Ocampo, at talent manager na si Noel Ferrer.
May pa-trivia rin kay Ricky Lee na isa palang Bikolano at taga-Daet, Camarines Norte. Isa sa mga naitanong sa trivia ay kung ano’ng taon siya nahirang na National Artist. Nalaman din namin na ang pinakaayaw niyang ulam ay ang kare-kare.




Comments