Bisexual na utol ni Yassi… ISSA, PANGALAWA NANG GF NI JAMES AFTER NADINE
- BULGAR

- 1 hour ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | November 13, 2025

Photo: File / James at Issa
Matapos ang ilang taon ng pananahimik, babasagin na ni Issa Pressman ang kanyang katahimikan sa isang exclusive at heart-to-heart interview with Karen Davila, premiering today, Thursday, November 13, on @KarenDavilaOfficial sa YouTube (YT).
With raw honesty, bubuksan ni Issa ang pinto ng tahanan nila ng boyfriend niyang si James Reid, habang ikinukuwento niya ang kanyang pagiging miyembro ng LGBTQIA+ bilang isang bisexual at ang kanyang tatlong taong laban sa anxiety, depression, at self-harm at kung paano naging sandigan niya si James at ang kanyang ate na si Yassi Pressman sa mga panahong iyon.
Binalikan din ni Issa ang kanilang simpleng simula ni Yassi, dalawang batang babae na tumutulong sa pamilya matapos mawalan ng trabaho ang kanilang ama, habang ang ina naman nila ay kailangang mangibang-bansa para maghanapbuhay. Doon nasubok ang kanilang tibay at pagmamahalan bilang pamilya.
Sa isang hindi malilimutang eksena, napaiyak si Issa habang si James naman, na nagbigay ng isang touching cameo ay makikitang pinipigilan ang luha. Ano nga ba ang nagpaabot sa kanila sa ganitong tindi ng emosyon?
Ibinahagi rin ni Issa ang kanyang journey sa pag-ibig, kung paano niya piniling manahimik sa gitna ng mga tsismis, umaasang kusa ring mawawala ang mga maling akusasyon.
Sa unang pagkakataon, inamin niyang siya ang pangalawang babae na nakarelasyon ni James matapos ang breakup nito kay Nadine Lustre noong 2019, isang yugto na nagturo sa kanya ng paglago, pag-unawa, at self-worth.
“The past is behind us and I’ve managed to see and be grateful for the growth this challenge brought,” ani Issa.
Aniya pa, “It’s about healing. For me, ayokong may mawala pang ‘beautiful soul’. Kailangan nang matigil ang bullying.”
Ang kuwento ni Issa ay paalala na sa likod ng bawat ngiti, may pinagdaraanan ang bawat tao. Na pag-ibig, kabaitan, at tapang ang patuloy na nagbibigay-liwanag kahit sa pinakamadilim na laban lalo na sa harap ng matinding pambu-bully.
Ang interview na ito ay higit pa sa simpleng kuwento, ito ay paalala na maaaring may life-and-death struggle sa likod ng bawat ngiti, na ang kabutihan ay nakakapagligtas ng buhay; at ang pagsasalita tungkol sa mental health ay hindi kahinaan, kundi isang tunay
na anyo ng tapang.
Samahan sina Karen Davila at Issa Pressman sa isang heartfelt conversation na layuning basagin ang katahimikan tungkol sa mental health, bullying, at self-harm at magbigay-inspirasyon sa iba na humingi ng tulong, magpakita ng malasakit, at maniwala sa ‘healing’.
DAHIL sa sunud-sunod na sakuna at kalamidad na dumating sa ating bansa, naglabas ng kanyang saloobin si Jodi Sta. Maria tungkol dito at nagpahayag ng suporta sa napakaraming kababayang naapektuhan.
“Filipinos are one of the strongest, most resilient people I know. ‘Yung babangon sa kahit na anong sakuna. Kakayaning tumawa kahit anong delubyo ang dumaan. How we show up for each other never fails to move me,” simula ng kanyang post sa Instagram (IG).
“But this shouldn’t be our only story,” aniya.
Hindi na nga rin alam ni Jodi kung sisisihin ba niya ang bagyo o ang mga taong dapat magprotekta sa atin pero hindi nagawa.
“Most of the time I can’t help but ask…was it the intensity of the typhoon? Puwede kayang hindi ganito kalala? Kasi taun-taon naman tayong binabagyo. Or was it the failure of those who were meant to protect us? What part did we play in this?” pahayag ng aktres.
Tulad din ng iba, dalangin ni Jodi para sa lahat ng naapektuhan ng kalamidad ay healing.
“I pray for healing for each and everyone affected by this storm and other recent calamities. We deserve better,” saad niya.
Mensahe niya sa mga kinauukulan, “And to those who could’ve done more to prevent this…may this be your wake-up call.”
Sana nga ay pakinggan sila ng mga nasa itaas…








Comments