top of page
Dennis Trillo at Patrick Garcia - IG - YT Ogie Diaz.jpg

Birthday trip, nauwi sa lamay, 4 patay

Writer: BULGAR
BULGAR
36 minutes ago
1 min read

ni Mai Ancheta @News | October 6, 2026



Elf truck bumangga sa puno - MDRRMO Silago

Photo: MDRRMO Silago



Nauwi sa pagluluksa ang dapat sana ay masayang selebrasyon ng isang pamilya nang madisgrasya ang kanilang sasakyan at bumangga sa isang malaking puno sa Brgy. Tubod,  Silago, Southern Leyte.


Patungo sa Isla San Pablo ang mag-anak sakay ng elf truck para ipagdiwang ang birthday ng isang miyembro ng pamilya nang mangyari ang trahedya.


Biglang namatay ang makina ng sasakyan sa kurbadang bahagi ng national road, kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang driver at bumangga sa isang puno.


Tumalipon ang mga biktima sa loob ng sasakyan dahil sa lakas ng pagkakasalpok at tatlo ang dead-on-the-spot habang ang isang biktima ay binawian ng buhay sa pagamutan.


Ang mga sugatang biktima ay patuloy na nilalapatan ng lunas at nagpapagaling sa ospital.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page