top of page

Birthday gift sa sarili… SAM, IPINAGYABANG NA WALANG CODING ANG BAGONG SASAKYAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 22 hours ago
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 31, 2025



Photo: Sam Milby's Tesla - Cornerstone Entertainment



Nag-celebrate ang aktor na si Sam Milby ng kanyang birthday last May 23 at bilang regalo sa sarili ay bumili siya ng brand-new Tesla electric car.


Ipinost ng kanyang management na Cornerstone Entertainment ang video ng aktor na masayang ipinapakita ang bagong car na kulay silver.


“This is kind of my birthday gift to myself, I guess. After driving this for a week now, I’m super happy with it. Long range. Ang bilis, sobra…” sey ni Sam.


“You don’t have to worry about maintenance because there’s no oil change, there’s no engine. It’s so smooth, so fast, so quiet, I’m super happy with this car right now. Sobrang okey s’ya,” dagdag pa niya.


Ang isa pa nga raw advantage ng electric car ay hindi ito kasali sa number coding scheme. At ang dami pa raw charging stations kung saan nga puwede mo itong i-charge.


“There’s actually so many charging stations pala sa Pilipinas so it’s not as scary as most people think. And sa ngayon, walang coding,” pagmamalaki pa niya.


Medyo nakakapanibago lang daw dahil walang physical control at lahat ay nasa screen.

“Price wise, it’s not bad at all,” sey pa niya.


Natatawang pagbibiro pa niya, “Am I endorsing Tesla?” dahil nagmukha nga kasi siyang endorser sa kanyang car tour.


“I’m content,” sey pa ng aktor tungkol sa kanyang nabiling sasakyan.



ISANG kuwento ng pangungulila, pagluluksa at kapangyarihan ng pag-ibig sa gitna ng mga kumplikasyon ng buhay ang mapapanood sa Si Sol at si Luna (SSASL) na handog ng Puregold Channel, isang mapangahas na digital series tampok sina Zaijian Jaranilla at Jane Oineza. 


Magsisimula na sa Mayo 31, Sabado, ipinapangako ng palabas ang isang mahusay na naratibo na ikinuwento gamit ang mga kaakit-akit na biswal na hindi pa nakikita kailanman sa digital entertainment.


Mapapanood na sa Puregold Channel sa YouTube (YT) ang unang episode ng serye na pinamagatang Babae sa Bus (BSB) at sumusunod sa tauhang ginagampanan ni Jaranilla na si Sol, habang gumagawa siya ng pelikula tungkol sa pag-ibig. Dito, hinaharap ni Sol ang hamong ibinigay ng kanyang propesor – gumawa ng isang dokumentaryo tungkol sa isang bagay na hindi pa niya nararanasan.


Ang tila imposibleng gawaing ito ang nagtutulak kay Sol patungo sa tahimik na pagdurusa ni Luna, na ginagampanan ni Oineza, at sa matatagpuan ng dalawang nawawalang karakter sa isa’t isa.


Sa direksiyon ng kilalang direktor na si Dolly Dulu, tampok sa SSASL ang makapangyarihang pagganap nina Jaranilla at Oineza na nagpapamalas ng lawak at galing nila bilang mga aktor.


Kilala ang Puregold Channel sa mga kuwentong hindi lamang nagiging viral kundi maganda at mahusay ang mga naratibo. Sa pagkakataong ito, handog naman ng Puregold ang pinagsamang kaakit-akit na cinematography sa digital na mundo.


Ibinahagi ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold, kung paanong tumataas ang antas ng seryeng ito kumpara sa mga naunang handog ng Puregold. 


Aniya, “Isa itong makasaysayang sandali para sa Filipino entertainment—isang bagong yugto sa pangako ng Puregold na maghatid ng mga kuwento na tunay na tumatagos sa puso ng mga Pilipino. Ang unang episode ng Si Sol at si Luna ay tiyak na magdadala ng kakaibang karanasan sa isang platapormang libre at madaling mapanood ng lahat.”


Kasama nina Jaranilla at Oineza sa serye ang mahuhusay na artista na sina Joao Constancia, Karina Bautista, Cheena Crab, Marnie Lapuz, Uzziel Delamide, Lyle Viray, Vaughn Piczon, Jem Manicad, at Atasha Franco.


Huwag palampasin ang bawat episode na mapapanood tuwing Sabado sa Puregold Channel sa YT. Ang kahanga-hangang cinematography nito, tapat na diyalogo, at isang kuwentong pag-ibig ay tiyak na kukumpleto sa inyong Sabado.


Mag-subscribe na sa Puregold Channel sa YT, i-like ang @puregold.shopping sa FB, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram (IG) at X (dating Twitter), at @puregoldph sa TikTok (TT) para sa iba pang updates.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page