Binura raw niya ang post sa EDSA bus lane… GOMA SA MGA WRITERS: MGA UNGAS!
- BULGAR
- Sep 1, 2024
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | September 1, 2024

Nanawagan si Leyte 4th District Representative Richard Gomez sa mga writers na nagsabing binura niya ang kanyang post tungkol sa trapik sa EDSA, pati ang suhestiyon niya na gamitin ang bus lane kapag heavy traffic para mas lumuwag ang daan.
Katakut-takot na bashing ang inabot ni Goma dahil sa post niyang ‘yun at idinamay pa ang anak na si Juliana Gomez. Ang suggestion ng mga netizens, pasakayin niya ng bus si Juliana para ma-experience kung paano makipagsiksikan. Isinumbong pa si Goma sa asawang si Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez.
Pero, ayun nga, hindi pala binura ni Goma ang kanyang post.
Sabi nito, “Paki-check nga kung deleted ‘yung post ko? Pakisabi sa mga ungas na writers na tingin-tingin din kapag may time.”
May sumagot kay Goma, “Deleted o hindi, it doesn’t change the fact how privileged you are. Lack of compassion para sa mga daily commuters.”
May sumunod pang nag-comment ng, “Wow, ungas? Ganyan talaga kapag ‘di nakaka-experience ng traffic. Partida naka-kotse ka pa n’yan, ha, how about du’n sa mga taong araw-araw na pinagdadaanan ang ganyang sitwasyon? Did they complain?”
May sumagot pa ng “Sir, sino po ba ang ungas? ‘Yung writers o ‘yung public servant na gustong tanggalin ang public bus lane para lang lumuwag ‘yung kalsada (which will not solve the traffic problem)?”
Hindi naman lahat ay nagalit kay Goma, may nagtanggol din sa kanya at sinang-ayunan ang kanyang nai-post sa FB. Tuwing heavy traffic lang naman daw ang suhestiyon na magamit ang bus lane.
Kaugnay nito, may pahayag si Goma sa isyu, may message siya sa NewsWatch Plus Philippines (PH).
Sey ni Goma, “It was an opinion and my reklamo at that moment. I don’t use a hagad or a mobile backup for me to go swiftly through traffic. Moreover, I don’t use the bus lane. I just find it silly that with so much traffic and the lane is not much utilized when it was needed during that time.
“It’s all about traffic management. Take a look at the skyway—why is it at certain times of the day or depending on the volume of traffic they use the other side of the road for counterflow traffic? This is to alleviate the load of traffic congestion.
“It is the same with the bus lane. It must be utilized at certain times of the day depending on the traffic load.”
Ano’ng sey n’yo, mga Ka-Bulgar?
Nag-Tagalog na rin para mas maintindihan… HEART, MAS PINADALI ANG PAGHINGI NG TULONG SA MGA SENADOR

Nag-react ang mga netizens sa photo ni Heart Evangelista na kumakain ng cheeseburger dahil nabanggit na isa sa mga rason kung bakit hindi siya dadalo sa New York Fashion Week (NYFW) ay dahil importante raw ang kanyang health.
Well, contradicting daw ang sinabi ni Heart dahil kumakain nga siya ng cheeseburger. Kung talagang concerned siya sa kanyang health, hindi siya kakain nito.
Bale ba, mukhang sarap na sarap si Heart sa kinakain dahil pinunasan pa ang bibig at may kumalat yatang spread o kung anumang nakalagay sa burger.
Marami naman ang nagtanggol kay Heart, baka cheat day daw niya ‘yun kaya kumain ng burger na minsan lang niyang kinakain. Let her enjoy life and her burger, at may nag-comment na good food daw ang cheeseburger.
Anyway, ipinromote ni Heart ang Senate Assist, ang online platform na naglalapit sa serbisyo ng Senado sa mga Pilipino kahit saang parte ng bansa. Mas madali na ang paglapit sa mga senador para sa medical at social assistance, sa tulong ng Senate Spouses Foundation, Inc. (SSFI), government agencies, public health institutions, at private sector.
At dahil mas madalas marinig si Heart na nagsasalita in English, marami ang natuwa na marinig siyang magsalita in straight Tagalog. Tinawag siyang “beauty with a heart” at marami na raw nagawa ang SSFI sa kanyang pamunuan.
Masaya si David Licauco sa nakukuhang good reviews sa acting niya sa Pulang Araw (PA) bilang ang Hapones na si Hiroshi Tanaka. Ang laki raw ng improvement niya sa acting at hindi na siya masasabihan na hindi makasabay sa mahuhusay na cast na kasama sa series.
“Nakakatuwa, nakakataba ng puso na finally, nakikita na rin ng ibang tao ang improvement ko. Parang mas napupursige ako, namo-motivate ako to work harder,” sagot ni David nang tanungin tungkol sa improvement niya sa pag-arte.
Sa episode ng PA bukas, magsisimula na ang giyera. Mapapanood na natin ang nangyari noong World War II, at mababago na rin ang takbo ng karakter ni David.
Magiging sundalo na siya ng Japanese Imperial Army at makakalaban ng mga kaibigan niyang gaya ni Eduardo dela Cruz (Alden Richards).








Comments