ni Julie Bonifacio @Winner | August 29, 2024
Aktibo pa rin pala si Kit Thompson sa showbiz, meron siyang bagong pelikula.
Sa mga nakalimot, si Kit ang dating boyfriend ng sexy star na si Ana Jalandoni.
Nagkaroon ng malaking iskandalo ang dalawa sa isang hotel sa Tagaytay dahil sa pananakit ng aktor na halos ikamatay ng sexy star noong 2022.
Two years ago na pala ang insidente at wala na tayong nabalitaan pagkatapos ng left and right interbyu ni Ana sa social media.
Pagkatapos, nagsampa pa ng reklamo si Ana kontra kay Kit for violation of Section 5 of Republic Act No. 9262, or the Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 noong June 20, 2022.
And then, nanahimik na sina Ana at Kit. Pati ang kaso ay wala na ring balita kung natuloy o na-dismiss na.
Pero baka nga na-dismiss na, lalo pa’t itsinika ng aming source na nagkabalikan na raw sina Ana at Kit.
Hindi na namin masyadong inalam kung paano at kailan eksaktong nagkabalikan ang dalawa. Basta ang alam namin, parehong aktibo ulit sa showbiz sina Ana at Kit.
Oh, well, kung totoo na nagkabalikan na sila, sana this time, wala na tayong marinig na “Aguy! Aguy!” na dialogue mula sa magdyowa.
Comments