top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Binoykot man ng mga Pinklawan… CONCERT NI TONI, NAPUNO NG MGA MAKA-BBM

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 22, 2023
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 22, 2023


Sa kabila ng mga bantang pamboboykot ng mga Pinklawan sa I Am Toni concert ni Toni Gonzaga sa Smart Araneta Coliseum nu'ng Biyernes nang gabi, napuno pa rin naman ang malaking venue.


Hindi kami personal na nakapanood ng concert pero nakarating naman sa amin ang mga impormasyon, bukod sa may mga video clips nang na-upload online kaya na-update na rin kami sa mga ganap sa 20th anniversary and birthday celebration ni Toni G.


In fairness, hindi man daw sold-out ang tickets, ang daming PBBM supporters ang hindi iniwan si Toni sa kanyang pagbabalik sa concert scene at sila ang pumuno sa Araneta with matching mga banners pang hawak.


Bagama't naaliw naman ang mga nanood sa naging performance ni Toni at ng kanyang controversial sister na si Alex Gonzaga, marami ang naghanap kung bakit wala ru'n ang Ultimate Heartthrob at Papa ng Bayan na si Piolo Pascual.


Una na kasing nasabi ni Toni sa media launch ng I Am Toni na ang mga magiging guests niya sa concert ay mga taong naging malaking bahagi ng kanyang buhay since 20th anniversary offering nga niya 'yun.


Alam naman ng lahat na naging daan ng pagsikat ni Toni ang softdrinks commercial niya kung saan isinigaw niya ang "I love you, Piolooooooo!"


Sa case ni Vice Ganda na matagal na ring kaibigan ng Gonzaga sisters, nalaman namin na kasabay pala ng concert ni Toni ang show naman nina Jugs & Teddy ng It's Showtime sa isang hotel at guest du'n ang 'asawa' ni Vice na si Ion Perez, kaya maiintindihan naman siguro kung bakit mas piniling suportahan ni Vice ang mga kasamahan niya sa IS kesa mag-perform or manood ng concert ni Toni Gonzaga.



Samantala, napanood namin ang isang video clip ng appearance ni Alex sa concert.


Napakinabangan pa ni Alex ang pagiging controversial niya ngayon dahil sa pagpapahid ng icing ng cake sa waiter, dahil nagamit nila 'yun ni Toni bilang part ng 'script' sa concert.


Bumenta sa mga tao ang hirit ni Alex na "I am a changed person now" sabay sabing bawal na raw sa mga susunod niyang birthday ang 'cake' instead ay ice cream na lang ang handa niya.


Well, tiyak namang ang aabangan ngayon ng mga bashers ni Toni ay what's next for her after this successful birthday and anniversary concert niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page