Binili ng P380 thousand… VICE AT ION, MAY BABY NA!
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 17, 2023

Proud ‘Mommy and Daddy’ na ang magdyowang sina Vice Ganda at Ion Perez dahil may ‘baby’ na sila. Ito ang ibinahagi ng Unkabogable Star sa kanyang latest vlog sa YouTube.
“We’ve been talking about this for quite some time now and we are very excited, we’ve been preparing for this,” ang simula ni Vice Ganda sa vlog.
“I wanna share with you our plan to have a baby,” ang announcement ni Vice.
Pahayag pa ng phenomenal Box Office Star, “Gusto naming magka-baby para lalong sumaya ‘yung bahay namin. Para may mapag-share-an din kami ng saya, tapos mayroong magpapasaya sa 'ming bago, mayroon kaming lalambingin, mayroon na kaming mamahalin, mayroon na kaming aalagaan, para lalong maging masaya ang life. So, we plan to have a baby para mas gumanda ang mundo, ‘di ba? Kapag mas maraming masaya, mas maganda ang mundo. Ganu’n! Kaya kailangang maging happy tayo lagi.
“So, para happy, dadagdagan namin ng member ang family namin para lumaki-laki naman ang pamilya namin kasi dadalawa lang kami,” dagdag pa ng TV host-comedian.
It turned out na papunta sila sa isang pet store kung saan ay bibili sila ng asong kanilang aalagaan.
Ito raw ang kanilang magiging baby.
Nakapili agad ng doggie ang celebrity couple at ito ay black and white Pomeranian na nagkakahalaga ng P380,000.00.
Sey ni Vice, “P380,000, my Gad! Ilang gabi akong magpop*kpok para kitain ko ‘yang P380 thousand ate, 'no!”
Pag-uwi nila ay dala na nila ang doggie na iisipan pa raw nila ng name.
“Ayan, ang GV-GV ng life kasi mayroon na kaming baby. We have a baby daughter,” sey ni Vice na karga-karga na ang kanilang ‘anak.’





Comments