top of page
Search
  • BULGAR

Binigyan pa si Diwata ng house and lot… DATING CONTESTANT SA SHOW NI WILLIE, MULTI-MILLIONAIRE NA NGAYON

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 10, 2024



Showbiz Photo
Screenshot from video: Wowowin

Tiyak na ikinagulat ni Willie Revillame nang malaman na ang multi-millionaire na vlogger/businesswoman na si Rosmar Tan ay dati palang naging contestant sa Wowowin nu’ng cosplayers ang mga sumaling contestants sa isang segment ng show. 


Nakasuot noon si Rosmar ng costume na Spiderman.


Likas na hilig ni Rosmar ang pag-aartista, kaya lagi siyang sumasali sa mga pa-contest sa telebisyon. 


Ngayon ay super rich na si Rosmar, nakabili ng maraming properties, collection ng luxury cars at may mga negosyo. 


Ang kanyang negosyong cosmetics at skin care products ang naging daan upang magtagumpay si Rosmar. Kumikita siya nang milyun-milyon araw-araw. 


Napaka-generous din niyang mag-share ng blessings sa iba. Nai-feature na rin siya dati sa Kapuso Mo, Jessica Soho at na-interview na rin ni Toni Gonzaga sa Toni Talks.


Hindi lang sa cosmetics business matagumpay si Rosmar. Pinasok na rin niya ang negosyong paresan tulad ng Pares Queen na si Diwata. 


FIle photo
Rosmar at Diwata

Pero, magkaiba ang diskarte at promo nila sa kanilang paresan business. Friendly competition daw ito dahil nagpaalam naman si Rosmar kay Diwata. Niregaluhan pa niya ito ng house and lot, kotse at P1 million cash. 


Ganu’n kabonggang mag-share ng blessings si Rosmar Tan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page