top of page
Search

BINI, umaming 'di magkakasundo dati

BULGAR

ni Angela Fernando @News | May 3, 2024


Wagi ang fandom na “Blooms” sa bagong vlog na ibinahagi ni Karen Davila dahil bumida nga sa episode ang P-pop group na BINI at ibinahagi ang mga kwento sa likod ng bawat miyembro nito.


Ang mga miyembro ng grupong BINI ay sina Aiah, Colet, Gwen, Maloi, Mikha, Jhoanna, Sheena at Stacey na nabuo dahil sa Star Hunt Academy sa ilalim ng ABS-CBN.


Very honest nga ang grupo dahil inamin ng mga ito kay Karen na may mga pagkakataon nu'ng nag-uumpisa pa lang sila na hindi talaga nagkakasundo ang grupo at nahahati sila sa bawat grupo.


Sey nila, itinuring nilang pamilya ang isa't isa at nagsimulang maging close nu'ng nagsasama na sila sa dorm.


Hindi lang dito natapos ang lahat dahil naging open din ang grupo sa bawat kuwento ng kanilang mga buhay bago at habang binubuo pa lang ang BINI.


Maging si Karen, hindi nakaligtas at humanga na rin sa grupo dahil sa pagiging responsable ng mga ito lalo pagdating sa usaping pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page