BINI, nagsalita na sa tawag na 'witchcraft' ang kanta nila
- BULGAR

- May 29, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @News | May 29, 2024

Nilinaw ng P-pop girl group na BINI na hindi nila sineseryoso ang kumakalat na alegasyong nagpapalaganap daw ng ‘witchcraft’ ang kanilang sikat na kantang "Salamin, Salamin.”
Sa isang Facebook post kasi, binatikos ng content creator na Follow Jesus Ministry ang BINI dahil nagpapalaganap at nagtataguyod daw ang grupo ng makamundong musika.
Sey ng content creator, maging mapili raw sa pakikinggan at susuportahang music ang madla.
“Let’s choose our music wisely to nurture our souls and to bring us closer to God. Beware sa mga Christian, preachers, pastors, ministers na walang nakikitang mali sa pakikinig ng mga worldly music,” saad nito.
“Salamin Salamin is a witchcraft song. Please wake up, church,” dagdag pa.
Sa kabila ng mga akusasyon sa kanilang awitin, sinabi ng P-pop group na natatawa na lang sila sa kumakalat na content na ngayon ay may 6,600 reactions at 2,300 shares na sa FB.





Comments