- BULGAR
Bingo! MALE SINGER AT BYUTING AKTRES, NAGMILAGRO SA CAR, PANAY ANG UGA, BUKING!
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | July 11, 2022
BLIND ITEM:
Gulat na gulat kami sa blind item nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio sa kanilang Showbiz Now Na YouTube channel tungkol sa kilalang male singer at magandang aktres na nagkaroon ng ‘moment’ sa loob ng sasakyan.
Wala kaming alam na may proyektong magkasama ang dalawa at wala rin kaming nabalitaang na-link sila sa isa’t isa.
Kaya bigla kaming nag-research kung may nabalita tungkol sa dalawa at hayun, bingo, meron nga, pero halos isang dekada na ang nakararaan at parang hindi naman ito pinansin. Pero, matindi ‘yung usapan ng mga netizens tungkol kay male singer at magandang aktres.
Anyway, sabi pa sa blind item ay maraming nakapansin sa pag-uga ng sasakyan kaya nagbubulungan ang mga miron sa paligid at hinintay nilang lumabas kung sino ang sakay ng nasabing sasakyan.
Naunang lumabas ng sasakyan ang magandang aktres na inayos ang magulong buhok saka dire-diretsong pumasok sa event at saka sumunod si singer na kunwari ay walang alam.
Hayan, hindi nga mga reporters o taga-showbiz ang nakakita, pero kaagad naman itong ishinare ng mga miron sa paligid sa kani-kanilang social media account kaya nabuking.
Sa kasalukuyan ay single si magandang aktres at si male singer naman ay matagal nang ‘taken.’