Binati raw ang misis niya sa b-day… BARON, UMAMIN NANG MAY ANAK KAY NADIA
- BULGAR

- Jul 17, 2024
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 16, 2024

In full Mindanao outfit na dumating si Baron Geisler sa private screening o mediacon ng latest film ni Direk Brillante Mendoza, ang Moro.
Malapit daw kasi sa kanya ang pagiging taga-Mindanao. Seven years daw siyang tumira sa Visayas at ang misis niya na si Jamie Marie Evangelista ay may lupa sa Mindanao.
Isa si Baron sa mga star-studded cast ng Moro na gumanap bilang kapatid ni Piolo Pascual at nanay nila si Laurice Guillen na ipapalabas sa Netflix sa July 19.
“Uhm, grateful lang talaga ako na makasama ako sa isang obra na naman ni Direk Brillante Mendoza with the best of the best actors. Uh, Piolo Pascual, Mr. Christopher de Leon, Mr. Joel Torre and of course, our loving mother na si Direk Laurice Guillen. Proud po ako sa pelikulang ito,” pahayag ni Baron.
Maraming beses na rin na nakasama si Baron sa mga pelikula ni Direk Brillante, pero sa Moro ay malaki at mabigat ang role ni Baron.
“Well, may mutual understanding kasi kami ni Direk. Isa rin siya sa mentors ko and isa rin siya sa mga nagturo sa ‘kin ng found acting na ‘wag umarte sa isang pelikula. ‘Don’t perform, Baron. Saka, ang bida rito, hindi ikaw. Ang bida rito ay ang istorya.’
“So, simula nu’ng makatrabaho ko s’ya, lagi ‘yan, sa lahat po ng pelikulang ginagawa ko ngayon, ang star is the movie, it’s the content. Tool lang po kami para mai-relay ang mensahe at istorya ng pelikula.
“I hope magustuhan n’yo po ang pag-portray namin. I hope magustuhan din po at ma-entertain at maging proud din po ang mga Muslim brothers natin sa buong mundo, sa mga kababayan natin d’yan sa pelikulang ito dahil maganda ang back story nito.
“Uh, 2019 kami nag-start na mag-shoot. So, nasa 6 years in the making ‘to. Last year lang po natin natapos,” kuwento ni Baron.
Paulit-ulit naman ang pagsabi ng pasasalamat ni Baron kay Piolo.
“Yeah, I want to thank Mr. Piolo Pascual from the bottom of my heart. Kasi aside from Direk Brillante giving me this break, si Mr. Piolo ang nagsabi, ‘Sige, bigay n’yo na lang kay Baron since marami akong lakad abroad.’
“Siyempre, nu’ng ibinigay sa ‘kin ang script, two months kong minemorize ‘yung character ko, ‘yung younger brother. Then, later on, tinawagan ako, nasa Mindanao ako nito, nag-aaral.
“Sabi niya, ‘Baron, ikaw na ‘yung bida. Ibinibigay sa ‘yo ni Piolo. Pag-aralan mo.’
“Sabi ko, ‘Direk, teka muna. Na-memorize ko na po ‘yung…’‘Hindi, hindi. Tanggalin mo na ‘yan sa utak mo. I-memorize mo na ‘yung bago.’
“Na-pressure ako pero harinawa, we were surrounded by Maguindanaoans who taught us the way and the culture. He taught us how to move and how to talk in Maguindanaoan.
“So, I’m very grateful du’n sa mga sumuporta sa ‘min para mabuo namin ang karakter namin. Ang laking tulong n’yo po sa ‘min, salamat.”
Samantala, tinanong namin si Baron kung may na-miss ba siya na part ng buhay niya kung saan ‘di niya naipakita ang kanyang pagmamahal.
Tugon ni Baron, “Araw-araw, nami-miss ko ang mommy ko. Kasi, hindi n’ya nakitang umangat ako sa buhay. Hindi n’ya nakitang nakapundar ako ng bahay at hindi n’ya nakilala ang apo n’ya.
“Pero alam ko naman, alam mo nu’ng gumradweyt ako nu’ng college, nag-message ako (sa mommy ko) kahit wala na s’ya rito sa mundo.
“Nag-message ako sa Facebook (FB) n’ya, ‘Mommy, gumradweyt na ako.’ ‘Pag may problema ako or whatever, nagme-message ako sa kanya na sana, mapakinggan n’ya. So, ‘yun.
“I believe na gina-guide n’ya pa rin ako, ng mommy ko at hinding-hindi ko malilimutan ‘yung mga ginawa n’ya na mabubuti sa ‘kin.”
Sinubukan din namin na kunin ang reaksiyon ni Baron sa mga espekulasyon na may anak siya kay Nadia Montenegro matapos aminin ng dating Regal baby na hindi kay former Mayor Boy Asistio (SLN) ang bunso niyang anak.
“For now, no comment muna ako d’yan. I just wanna focus on so many projects na naka-lined-up sa ‘kin,” diin ni Baron.
Tanong pa ulit namin kay Baron, kung gusto niya na magpakilala sa sinasabing anak daw niya kay Nadia.
“No comment,” sey ni Baron. “After the film. But I’m grateful na ginreet ni… (sinasabing anak niya kay Nadia) birthday ng asawa ko today. Happy birthday, Love.”
Ayaw pa niyang magsalita dahil baka isiping ginagamit niya sa pelikula ang isyu pero sa huli ay ini-reveal din naman ni Baron Geisler na binati raw nu’ng anak diumano niya kay Nadia Montenegro ang misis niya na si Jamie Marie Evangelista.





Comments