Binati na nu'ng Mother's Day, galit pa rin… POKWANG KAY LEE: PLASTIC! USER DAHIL MAY MOVIE!
ni Nitz Miralles @Bida | May 16, 2023

Nag-react si Pokwang sa Mother's Day greetings sa kanya ni Lee O’Brian. Isa kasi siya sa mga binati ni Lee at si Pokwang ang tinukoy nitong "Mother of my child."
Nabasa o may nakapagkuwento kay Pokwang sa greetings ni Lee, kaya nag-react siya via her IG Story.
"Biglang may pa-post ka ng Happy Mother's Day to the mother of my child? Hahahahaha! PLASTIC! Nu'ng mga nakaraan, wala naman. Tse! Porke't may movie?! Manggang hinog ka na ba?! USE IN A SENTENCE! TAMA KA NA ACCLA!" post ni Pokwang.
Hindi binabanggit ni Pokwang kung ano ang movie na kasama si Lee na sinabi niyang ibo-boycott ng kanyang mga supporters.
Careful lang si Pokwang, dahil kapag binanggit niya ang title ng movie na kasama si Lee, parang ipino-promote niya pa ang project ng kanyang ex-partner at ama ng kanyang anak.
Well, mabilis nga ring sinopla ni Pokwang ang interview ni Lee sa mediacon ng Sandwich, kung saan sinabi raw ni Lee na "All I can say is, I love my daughter more than anything in this world.
And you know what, I always have love for the mother of my child because she brought my child in this world."





Comments