Binash dahil sa same sex marriage… MOTHER RICKY, TINAWAG NA POOR GAY AT ‘DI KAAKIT-AKIT
- BULGAR

- Jun 30
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | June 30, 2025
Photo: Ricky Reyes - IG
Muling nag-trending ang hair business magnate na si Ricky Reyes dahil sa pag-open niya sa stand niya on same sex marriage.
Sa panayam ni Toni Gonzaga kay Mader Ricky for her YouTube (YT) vlog na Toni Talks, kasama ang icon on fashion design na si Renee Salud, natanong sila about same-sex marriage and SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity Expression Equality) bill.
Para kay Renee, “Kung hahabulin mo lamang ‘yung marriage para sa legalities dahil (sa) paghahati ng kayamanan or properties, puwede naman kayong mag-usap na. Maging partner na lang kayo sa aspeto na ‘yun.”
Inilahad naman ni Toni sa dalawang beauty and fashion business icons na nainterbyu niya si Senator Risa Hontiveros na isa sa mga nagpu-push ng SOGIE bill.
Agad na sumagot si Mader Ricky, “At ako rin ang nagpatigil ng SOGIE bill. ‘Yung sinabi ko, miski anong gawin n’yo sa mga bakla, bakla pa rin ‘yan. Gilingin mo man ‘yan, ang labas n’yan, baklang hamburger. Walang pagbabago.”
Pagkatapos ay humirit muli si Renee, “Ako naman, sige, bigyan ng karapatan, bigyan sila ng puwang sa lipunan, kaso lang the problem with some gays, they ask for too much. Masyadong entitled.”
Para kay Mader Ricky, tama na raw ‘yung pagto-tolerate ng publiko sa mga bading.
“That is more than acceptance. ‘Yun ang sinasabi ko, toleration is more than acceptance.
“Because ang kaharap mo, hindi pare-pareho ang lahat ng tao, hindi lahat ‘yan, tanggap ang mga bading. Ibagay mo ‘yung sarili mo sa tamang sitwasyon,” paliwanag pa ni Mader Ricky.
Sa isa sa mga video ni Mader Ricky sa kanyang Facebook (FB) ay inihayag din niya ang kanyang strong conviction tungkol sa mga gays na tulad niya.
“Ang bading, bukod-tanging pinagpala. ‘Yung babae, ‘yung lalaki, maglakad sila sa dilim. Kinabukasan, itsitsismis na sila ng buong barangay.
“‘Yung bading, mahuling nang-o-ombre sa likod ng puno ng saging, sasabihin, ‘O, hayaan n’yo na. Bading naman ‘yan.’ Kumbaga, there’s so many things that people accept us and they just let go. Hinahayaan lang tayo,” lahad ni Mader.
Mapalad daw ang mga bading sa Pilipinas dahil tino-tolerate sila ng Philippine society.
“And for me, toleration ay isa sa mga pinakamatinding gesture na maibibigay ng tao sa kapwa tao. To tolerate us on what we’re doing. But to push through their throat, they should accept us, na kailangan naka-papel. Ikakasal tayo. ‘Wag naman, sobra na ‘yan. Overboard na ‘yan, mga anak,” mariing mensahe ni Mader Ricky.
Sa kabila ng maayos na paliwanag ni Mader Ricky, marami ang nang-bash pa rin sa kanya kasabay ng pagsaludo sa kanya ng ibang netizens.
Sey niya, “They are not and will never be an icon for the LGBTQ+ community.”
May tumawag din kay Mader Ricky ng ‘poor gay person’ and ‘unattractive’.
Sey ng isang netizen, “‘Tong Ricky Reyes na ‘to, ipokrito, porke’t ‘di bagay sa ‘yo ang mag-bestida, pinagbabawalan mo ‘yung iba na bagay naman sa kanila.
“Ikaw nga itong nagsusuot ng blouse na pambabae, eh, ‘di ba nga, nagparetoke ka pa nga, para maayos mukha mo!
“Kung mukha kang babae, sigurado magpa-girl ka, kaso hanggang d’yan ka lang, hanggang sa pagsusuot ng blouse na pambabae.”
Sabeee?










Comments