Binantaan, inabangan... Grade 9, sinaksak ng Grade 10
- BULGAR

- Jun 25
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | June 25, 2026

Photo: DSWD
Sugatan ang isang Grade 9 makaraang saksakin ng 17-anyos na Grade 10 sa labas ng kanilang paaralan sa Julio Ledesma National High School sa San Carlos City, Negros Occidental nitong Martes, June 23.
Nagtamo ng saksak sa tiyan ang biktima at ginagamot sa ospital.
Naaresto naman ang suspek sa ginawang pursuit operations ng mga otoridad.
Bago ang pananaksak, nagsumbong umano ang biktima sa kanyang class adviser na binabantaan siya ng isang estudyante, kaya pinayuhan siyang huwag lumabas ng paaralan habang tinatawagan ang kanyang sundo.
Pero lumabas pa rin umano sa paaralan ang biktima sa kabila ng payo ng kanyang adviser.
Nabatid sa imbestigasyon ng San Carlos City Police na bago ang insidente ay may nakaalitan umano ang biktima subalit ang gumanti ay ang suspek na may dalang panaksak.
Ang menor-de-edad na suspek ay itinurn over sa social welfare officers ng lungsod.





Comments