top of page

Binanatan ng fans na umaarte lang… BINI MIKHA: BULOL AKO SA TAGALOG KAYA STRAIGHT ENGLISH NA LANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 2
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 2, 2025



Photo: BINI Mikha - IG

  

Sa halip na magalit ay nagpasalamat pa ang member ng BINI na si Mikha sa isang netizen na pinuna ang paraan niya ng pagsasalita ng Tagalog.  

Ini-repost kasi ng isang netizen sa X (dating Twitter) ang video kung saan ay mapapanood na nagsasalita ng Tagalog si BINI Mikha.  


Sey ng X user, “Malamang sa Pilipinas ‘yan lumaki. Nu’ng ‘di pa sila sikat, fluent naman Tagalog n’yan, ngayon umaarteng ‘di sanay mag-Tagalog, halatang pinepeke. ‘Yung mga t*ngang fans lang naman nila naku-cute-an. Cringey mo @bini_mikha.”  


Nang mabasa ito ni BINI Mikha ay kaagad siyang sumagot at mahinahong nagpaliwanag. Nagpasalamat pa siya sa netizen sa pagpuna sa kanya.  


“Hi! Thank you for saying this, a good opportunity for me to clear things up! I’ve said before a couple of times and to people who ask me about it that I can speak fluent Tagalog, but there are times in a script or in front of the camera I get a little bulol or I overthink the Tagalog words I should use.. that’s why I end up choosing to speak in straight English most of the time in front of the camera. Have a good night!” pahayag ng miyembro ng Pinoy Pop girl group.  


Sa isang hiwalay na tweet ay nakiusap naman si BINI Mikha sa kanyang mga fans.  


“Let’s stop all the hate, guys. My response was not to fuel hate but to inform and clear things up for everyone. Please spread kindness and just educate,” aniya. 


Wala na raw next National Artist after ni Nora…

CELIA, BAD SHOT SA MGA VILMANIANS


MATINDI raw ang tampo ng mga Vilmanians sa veteran actress na si Celia Rodriguez dahil umano sa mga ‘pasaring’ nito sa eulogy niya sa yumaong Superstar at National Artist na si Nora Aunor.  


Sa speech ni Manay Celia sa last night ng wake ni Ate Guy sa The Heritage Park ay diretsahan niyang sinabing wala na raw susunod pang National Artist sa Superstar.  


“Mag-isa lang si Nora Aunor! ‘Yung gustong pumalit sa kanya, you will fail! Ang susunod sa kanyang National Artist awardee, siguro si Eddie Garcia, Gloria Romero, Lea Salonga. ‘Yung iba riyan na nag-a-aspire, bumili na lang kayo ng sarili n’yong trophy!” ang saad ni Miss Celia na tila may pinariringgan.  


Ang feeling ng mga Vilmanians ay ang idolo nilang si Star for All Seasons Vilma Santos ang pinariringgan ng beteranang aktres.  


Sa vlog ni Cristy Fermin na Showbiz Now Na (SNN) kahapon ay sinabi niyang ikinatampo raw ng mga fans ni Ate Vi ang mga sinabi ni Manay Celia.  


“Kung babasahin mo ‘yung mga posts ngayon sa social media at sa kani-kanilang mga vlog, talagang nandoon ‘yung matinding hinampo kung bakit parang pinaringgan ni Manay Celia ang kanilang idolo, ang Star for All Seasons na si Miss Vilma Santos tungkol sa National Artist Award,” saad ni ‘Nay Cristy.  


Nagbanggit pa raw kasi ng mga pangalan si Miss Celia na puwedeng sumunod na National Artist awardee at kapansin-pansin nga naman na wala ang pangalan ni Ate Vi.  


Ipinagtanggol naman ni ‘Nay Cristy si Ate Vi at sinabing hindi ito naninikluhod para magkaroon ng National Artist award.  


“Hindi s’ya makikiusap, hindi po s’ya talaga nagpaparamdam na ‘Ako naman ang isunod,’” sey ni ‘Nay Cristy.  


As we all know, noon pa ay ipinu-push ng mga Vilmanians at iba pang malalapit kay Ate Vi na magawaran din ng National Artist award ang Star for All Seasons which she deserves din naman talaga at pasok na pasok siya sa criteria.  

댓글


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page