Binalaang mahihiwalay lang ‘pag nagmadali... BEA, MAGPAPA-CIVIL WEDDING MUNA BAGO SA SIMBAHAN
- BULGAR
- 2 days ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 21, 20255
Photo: Bea Alonzo - IG
Naniniwala pala si Bea Alonzo sa hula.
Napanood namin ang isang video clip na tila galing sa isang old vlog kung saan nagpapahula si Bea at kasama niya si Cacai Bautista.
Ang tanong ni Bea sa manghuhula ay ikakasal pa ba siya?
Ayon naman sa lumabas sa tarot card na binasa ng manghuhula, 7 yrs. pa bago ikasal si Bea. Eh, 33 lang siya nu'ng time na magpahula siya kaya meaning, pagdating niya ng 40 yrs. old, du'n pa lang siya mag-aasawa.
At sabi pa ng manghuhula, kung mamadaliin ni Bea ang pag-aasawa, mauuwi lang din daw sa hiwalayan.
Maghintay daw siya ‘pag nag-40 na siya dahil isang mas may-edad sa kanya ang kanyang mapapangasawa at magiging maganda raw ang kanyang married life pagkatapos.
At hindi rin daw church wedding ang unang magaganap kundi civil muna at ‘hidden’ ito.
Magti-38 yrs. old na si Bea sa Oct. 17 at mukhang inlabey naman ito ngayon kay Vincent Co ng Puregold.
Pero kung ang hula ang kanyang susundin, ibig bang sabihin, 2 yrs. pa bago magpapakasal si Bea?
Makapaghintay pa kaya si VC nang ganu'n katagal?
Mahilig pala sa beauty pageant ang mga Lipeños.
Personal naming nasaksihan ito nang maimbitahan kami ni Mr. Joel Peña, owner ng Big Ben Complex sa Lipa at president ng Lipa Tourism Council, upang panoorin ang coronation night ng first-ever Mr. & Ms. Lipa Tourism 2025 na ginanap last June 19 sa plaza sa harap ng San Sebastian Church.
Grabe ang tilian ng mga Lipeños bilang suporta sa kani-kanilang kandidata. Halos mabingi kami sa lakas ng kanilang sigawan with matching drums and torotot pa yata tuwing tinatawag ang no. ng kanilang mga ‘manok’ sa 12 boys and 12 girls na kalahok sa kontes.
Para nga kaming nanonood ng Miss Universe sa sobrang intense ng gabi lalo na nu'ng Top 5 na ang tawagin hanggang sa ini-announce na ang winners.
In fairness naman kasi, mainit talaga ang labanan dahil pare-parehong palaban ang mga girls, na ramdam mong may talagang nag-e-effort na mag-standout at mapansin ng mga judges, lalo na nang rumampa sila sa swimsuit at evening gown competition hanggang sa Q&A portion.
At kahit ang mga boys, ang lalakas din ng dating at talagang nagtitilian ang mga bading nu'ng makita ang hunk body ng 12 candidates ng Mr. Lipa Tourism 2025.
Nu'ng naka-formal wear naman na ang mga ito, may mga lumabas na artistahin.
Hakot award ng gabi sina Candidate No. 6 Kurt Michael Aguilar ng Bgy. Bagong Pook na ‘di lang guwapo at matikas, Atenista rin kaya super-lakas ng dating at crowd favorite.
No wonder at super deserving siya na siya ang tinanghal na Mr. Lipa Tourism 2025.
Sa girls naman, nag-standout din at humakot ng special awards si Candidate No. 6 Joey Anne Chavez ng Bgy. Sampaguita.
Para siyang si Pia Wurtzbach na kahit natalo nu’ng una, hindi sumuko hangga’t ‘di nakukuha ang titulo at korona kaya kung nag-join na siya last year at talunan noon, ngayon waging-wagi si Joey Anne Chavez bilang Ms. Lipa Tourism 2025.
Well, ang kumpletong listahan ng mga winners/runners-up ay makikita sa official FB page ng Mr. & Ms. Lipa Tourism 2025 na project ni Konsehal Venice Manalo at suportado ni Lipa Mayor Eric Africa.
Congrats Joel Pena and to the whole team!
Comments