top of page
Search
  • BULGAR

Binalaan sa atake sa puso… RAFFY TULFO, PINAGRERETIRO NA NG DOKTOR

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 23, 2020




Para iwas-heart ailment, pinayuhan ng kanyang cardiologist ang TV5 news anchor na si Raffy Tulfo na mag-retire sa public service dahil baka makaapekto sa puso niya ang pang-araw-araw na problemang idinudulog sa kanya ng mga viewers ng Raffy Tulfo Idol In Action.


Bilang public servant na taga-payo at tagapagbigay-solusyon sa mga problemang idinadaing sa kanya, hindi maiwasang mag-alala ng doktor ni Raffy dahil sa stress na dulot ng kanyang mga kliyente.


Knowing Raffy na gustong makatulong sa mga nangangailangan ng solusyon sa kanilang problema, hindi pumayag si Tulfo sa payo ng kanyang doktor na iwan na lang basta ang kanyang trabaho.


Sa ginanap na virtual presscon kay Raffy sa programa nitong Idol In Action nitong October 21, ikinuwento ng broadcaster na "One of my cardiologists called me up. Kung puwede, mag-retire na raw ako.


"Stop ko raw muna itong ginagawa ko dahil napakinggan at napanood niya 'yung estilo ng programa ko. Sabi niya, 'Eventually, baka tatamaan ka sa puso.'"


Bukod sa napamahal na kay Tulfo ang kanyang trabaho, hindi maikakailang kumikita nang limpak-limpak ang YouTube channel niya, na ngayon ay may 16 million subscribers and counting pa-more.


"Sabi ko sa kanya (cardiologist), 'I know, but that (being a public servant) really makes me happy. Meaning, nag-i-enjoy ako sa trabahong ito.'


"So, kahit na may stress, nababawasan ang time, gusto ko naman talagang gawin 'yun in the first place."


Aminado si Tulfo na naaapektuhan din siya ng mga problemang idinudulog sa kanya at hinihinging tulong-pinansiyal ng ating mga kababayan.


"I would be lying to you kapag sinabi ko na hindi (apektado). In fact, I’ve been seeing a lot of doctors about my health, and karamihan sa kanila, sa mga doktor na pinupuntahan ko, sinasabi, 'That’s part of your stress.'


"Now, paano ko nama-manage 'yung aking stress? Kailangan, may pagmamahal ka sa iyong trabaho kasi kapag mahal na mahal mo ang trabaho mo, kahit mahirap pa 'yan, kahit gaano kakumplikado 'yan, at least, nakakabawas 'yung stress ng job na ‘yun because you love it."


Hindi raw kayang talikuran ni Tulfo ang kanyang trabaho. Ikinumpara niya ito sa paglalaro ng basketball.


"Walang iniwan 'yan sa pagba-basketball. Nag-i-enjoy kang mag-basketball kahit mahirap, kahit masakit. Ta-tumbling-tumbling ka, and yet, sasakit ang likod mo dahil sa pagod. But you’re still doing it kahit nasasaktan ka na, nababalian ka na, because nandoon na talaga sa mindset mo na 'This is I want to do, because I’m enjoying this.'


"Hindi po ako magsasawa dahil gustung-gusto ko po 'yung aking ginagawa."


Dati ay nasa 12 Nn to 1 PM ang timeslot ng Idol In Action, subali't simula noong Lunes (October 19), napapanood na sa mas maagang timeslot ang programa, 10:30 AM to 12 NN, dahil sa pagpasok ng bagong Kapatid noontime show na Lunch Out Loud.


Sa nasabi ring panayam, sinabi ni Raffy na meron siyang iniiwasang sumbong sa kanyang programa tulad ng mga isyu tungkol sa pulitika at ang away sa lupa ng mga magkakamag-anak.


Kanyang rason, "Talagang walang pupuntahan 'yan, magkamatayan na 'yung mga kamag-anak, nag-aaway sa lupa hanggang sa magkaapu-apo, hindi mo talaga mabibigyan ng solusyon 'yan," ani Raffy.


"And then, sa politics, never-never naming tatalakayin 'yan — na isusumbong 'yung isang politician, gagamitin kami ng isang politician.


"Hindi namin gagawin 'yan dahil alam ko, magagamit lamang 'yung show," katwiran ni Raffy.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page