Bina-bash dahil sa mga dating kasalanan… FYANG, NAGBAGO NA RAW ANG UGALI DAHIL KAY JM
- BULGAR
- Jul 20
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | July 20, 2025
Photo: JM at Fyang - IG
Sinagot ni Fyang Smith ang tanong na, “Do you need validation from other people?”
Ayon kay Fyang, “No.”
Paliwanag niya, “Kasi hindi naman lahat ng tao, maiintindihan ang reason ko... I mean, hindi lahat ng tao, magugustuhan ang ginagawa ko... Hindi lahat ng tao, naa-appreciate ang ginagawa ko. Even though pagod ako, ginagawa ko ang best ko, never nilang ma-appreciate or never nilang maintindihan kasi ang makikita nila lagi ay ang mali.
“So I don’t need any validation from other people because I love myself and I have my own family and marami naman ang nagmamahal sa akin, hindi ko naman kailangan na i-please ako, gustuhin ako, though may nagagawa rin naman siguro akong mali.”
Ibinabato raw kasi sa kanya ‘yung past niya, hindi raw alam ng mga tao na nagbago na siya.
Ani ng isang fan, “Ang pangit kasi lumaban ‘pag ang ginamit ay ‘yung past mo. Hindi mo ma-explain sa kanila na nagbago ka na kasi nga ‘yun ‘yung tumatak sa kanila, eh. So ‘yun, I hope…”
Katabi ni Fyang si JM Ibarra, kaya dugtong niya, “Lagi n’ya akong sinasabihan ‘pag alam n’yang ang ginagawa ko ay ‘di tama na sa palagay ko kasi ay tama.”
“Katulad ko, ‘yung mga nagawa ko before, akala ko tama... ngayon ay nagiging okey-okey na ako kasi naisip ko, ‘Hala! Mali pala ‘yung nagawa ko,’” pag-amin pa ng PBB Gen Z Big Winner.
Ngayon daw ay natututo na si Fyang dahil lagi na siyang igina-guide ni JM.
Ang komento nga ng mga netizens:
“Exactly same kami ng prinsipyo.”
“Ang galing mo namang sumagot, idol Fyang.”
“Yes, true. Be yourself and you can’t please everybody. Let them be....”
“Bilib din si DJ Jhai sa sagutan ni Fyang. Malalim kasi mga sagutan ni Fyang, matalino s’yang sumagot.”
“Tama naman ang sinabi n’ya, kahit magbago ka ngayon, ang lagi lang nilang makikita ay ‘yung mga nagawa mo noon. Maraming makaka-relate d’yan.”
“Tama s’ya, wala kang laban ‘pag ginamit ‘yung past mistake mo.”
“Sobrang genuine ng sagot ni Fyang. Makikita mo talagang natuto s’ya, nag-mature s’ya.”
“Kaya sa lahat ng taong pilit na ibinabagsak ang isang FYANG SMITH, kahit ano’ng gawin n’yo, hinding-hindi n’yo mapapabagsak ‘yan dahil sobrang daming nagmamahal nang totoo sa kanila.”
“KUNG SA INYO, WALA. DESERVE N’YO ‘YUN, HAHAHAHAHAHA!”
Kayo, mga Ka-BULGAR, ano’ng sey n’yo?
Napa-mine si KC Concepcion sa bagong post ng inang si Sharon Cuneta tungkol sa bagong kinahihiligan nito.
Nag-react si KC nang makita ang handcrafted candle item ni Megastar para sa broadcast journalist na si Karmina Constantino.
Ibinahagi ni Sharon sa Instagram (IG) ang isang video ng kandilang siya mismo ang gumawa.
Ayon sa caption ni Sharon sa kanyang post: “She wanted a candle with a Chamomile scent. I made her three candles with different Chamomile formulas, and this was our favorite! I work on my candles all alone. Every candle, guaranteed to be poured by only ME!”
Maraming netizens ang humanga sa bagong kinahihiligan ng Megastar, ngunit mas lalong napansin at ikinatuwa ng marami ang sweet na palitan nila ng mensahe ng anak na si KC.
Nang makita ang post, agad na nag-comment si KC ng “MINEEEE,” na agad namang sinagot ni Sharon ng “ALL scents YOURS! Will pour them all ASAP for you, baby. Just busy working pa! I love you, @kristinaconcepcion.”
Muling nag-reply si KC, “Hahaha! MINE, MINE, MINE! How much for all? I miss you, I love you, please date me.”
Maraming netizens ang naantig at natuwa sa kulitan at pagmamahalan ng mag-ina. Patunay ito ng malapit na ugnayan nina KC at Sharon kahit parehong abala sa kani-kanilang mga proyekto.
Ayan, huwag na kasing iniintriga ang Mega Mother and Mega Daughter para lang may mai-content sa kanilang vlog.
Comments