Bilyonarya na raw, wa' paki sa gastos…

KC, LUMIPAD MULA EL NIDO PAPUNTANG AMANPULO MASORPRESA LANG SI SHARON!
Julie Bonifacio - @Winner | January 9, 2021

Sinorpresa ni KC Concepcion ang kanyang Mega mom na si Sharon Cuneta sa pinagbabakasyunan nitong isla kung saan nag-celebrate ito ng kanyang 55th birthday last January 6.
"KC flew back to Manila from Palawan with our dear friend Tim Yap today to take another flight to the island where I and the rest of the family are!" caption ni Sharon sa kanyang IG post na piktyur nila ni KC na magkayakap.
Bukod sa sarili niya, dinalhan din ni KC si Sharon ng paborito raw nilang Strawberry Shortcake.
Nag-post naman si KC ng comment sa IG post ng kanyang Mama Sharon.
"Surpriiiiise, love you with all my (hearts emoji) Mama," message ni KC.
Naligayahan naman ang mga fans and followers nina KC at Sharon sa napaka-sweet na pagkikita ulit ng mag-ina after Christmas eve sa bahay ni Megastar.
"Sarap sa mata at ang saya sa puso. Awwwwee!"
"What a lovely sweet sight!"
"That is so beautiful. What a great birthday surprise."
Sa Instagram account ni KC ay nag-post naman siya ng video ng dalawang umaandar na eroplano sa himpapawid na magkaiba ng destination at sa ibaba ay matatanaw ang magandang beach.
Caption ni KC sa kanyang video-post, "From one plane to the other, one island to another."
Sa huli ng caption ay inilagay ni KC ang Philippine flag at ang kanyang destination na from El Nido to Amanpulo na parehong super private and super expensive na mga tourist spots sa bansa.
Comment ng netizen, "KC is so blessed.... b'coz of her generosity, humble, and very down-to-earth at higit sa lahat, mabait... Hindi siya mayabang sa kabila ng kanyang pagiging youngest billionaire."
May umapela naman sa pagsasabi ng netizen na bilyonarya na si KC. Tanong ng isang netizen, paano raw naging bilyonarya ang panganay ni Mega?
Sagot nu'ng nag-post na netizen na bilyonarya na si KC dahil kay Sharon, "I doubt she's a billionaire, but she has (her) own money from endorsements and inheritance from her Mamita."
Comment naman ng isang netizen, "Hope we can do the same."
Bilyonarya o milyonarya man si KC, it's her right wherever she wants to spend her money.
At karamihan din ng mga sikat na celebrities, pabonggahan sa pagpo-post ng pictures nila habang rumarampa sa beach. Pabonggahan din kung saang beach resorts sila nagpunta. Plus, ang mga hot photos nila in their best swimsuits.
Mapapa-sana all ka na lang talaga kapag nakita ang mga IG posts nila.





Comments