top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bilyaran, buking na may 'ilegal'… NETIZENS KAY EFREN BATA: PORKE SIKAT, PINALUSOT SA RAID

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 18, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 18, 2022


Ni-raid ang bilyarang pinuntahan ng billiard world champion na si Efren “Bata” Reyes sa Santo Tomas City, Batangas. Nakarating kasi sa mga pulis na ‘di nasusunod ang health protocol sa naturang lugar.


Pero sa ‘di inaasahang pagkakataon ay inabutan ng mga pulis ang billiard champion na kabilang sa mga naglalaro roon.


Ang siste, may nakita pa raw ang mga pulis na perang nagkakahalaga ng P14K bilang pamusta ng mga nanonood sa billiard players na naglalaro. Eh, bawal pala ‘yun, kaya inaresto ang 19 katao except Efren.


Katwiran ni Efren, naimbitahan lang siya roon as special guest sa pagbubukas ng bilyaran. Wala raw siyang alam na may nagaganap na pustahan.


Taliwas naman ito sa mga nakita namin na comments ng netizens.


“Si Bata pa nga ang pinakamalakas pumusta d'yan. Dahil sikat kuno, walang huli. 'Yung mga ordinaryo, kulong.”


“'Yung pamangkin niya dapat ang sisihin d'yan. Lagi siyang dinadala kahit saan, tapos 'yung pamangkin lang naman daw ang nagkakapera. Sana, leksiyon na rin 'to sa mga anak ni Sir Reyes.


Twice na nangyari 'to.”


May netizens din ang nagtataka kung bakit pinupuntahan pa ni Efren ang “cheap” na bilyaran. At kinukuwestiyon kung saan napunta ang milyones na napanalunan niya sa mga international sports competition.


“Dapat sa kanya, relaxed na lang at mag-accept ng mga ganito pero big events puntahan niya. I remember he won the biggest jackpot prize in billiard history, eh, bakit pati small time, pinapatulan na niya, unless for good cause 'yan?”


“Makes me wonder kung may ipon at naipundar ba s'ya. Kasi sa tagal na niyang naglalaro, ang laki na ng kinita niya.”


Ipinagtanggol naman ng ibang netizens si Efren.


“As far as I know, meron naman. Nakapagpatayo nga siya ng bahay. I think sadyang billiards is life lang talaga sa kanya.”


“Sadyang nasa dugo na talaga ni Mang Efren ang billiards, mapa-small time or big time event pa 'yan. Bata pa lang, billiards na ang pinagkakaabalahan niyan. No wonder.”


“Maka-masa si legend. Mapagpakumbaba siya at nagbibigay pa rin ng ligaya sa mga ordinaryong manlalaro ng bilyar.”


‘Yun naman pala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page