top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Bilog ang mundo, tameme sa kayabangan… VICE, TODO-PATUTSADA NOON SA GMA-7, DU'N DIN PALA ANG BAGSAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 22, 2023
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 22, 2023




"Bilog talaga ang mundo!" ang nagkakaisang reaksiyon ng mga nakakausap namin kaugnay nga ng kumpirmasyon ng ABS-CBN na simula sa July 1, 2023, sa GTV na sister station ng GMA-7 na mapapanood ang noontime show na It's Showtime.


Of course, masaya ang mga Kapamilya fans and IS supporters dahil may TV network pa ring tumanggap sa noontime show na napakarami nang pinagdaanan at ngayon ay gumagawa rin ng record (sabi nga ni Joey de Leon) sa pagpapalipat-lipat ng TV station na magpapalabas sa kanila.


At kahit ang mismong CEO ng GMA-7 na si Mr. Felipe Gozon ay nagpahayag na rin ng pag-welcome sa It's Showtime family para maging 'Kapuso' na rin nila at hindi lang bilang 'Kapamilya'.


Pero ang ilang solid Kapuso fans na wala pang amnesia, dementia, etc., heto't isa-isang binubuhay, ipinaaalala at isinusumbat ngayon sa It's Showtime main host na si Vice Ganda ang mga pinagsasabi nito noon laban sa katapat na network ng ABS-CBN, ang GMA-7.


"Kung sinasabing ang GMA ay 'Where you belong,' ba't sila naglilipatan?" isa sa mga binitawang linya noon ni Vice na ngayon ay 'ipinamumukha' sa kanya ng mga Kapuso supporters sa paglipat ng IS sa GTV.


Nandiyan din ang controversial "rape joke" ni Vice noon sa respetadong broadcast journalist na si Jessica Soho, kaya marami ang nag-aabang ngayon na i-guest ni Jessica sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang kanilang bagong 'Kapuso' na si Vice.


Well, hirit pa ng ilang nakakausap namin na naaangasan sa way ng pagsasalita at pagde-deliver ng jokes ni Vice Ganda, siguro naman ngayon ay mapuputol na ang 'kayabangan' ng TV host na ang feeling daw ay siya ang bumubuhay sa ABS-CBN.


Luh, gigil much kay Vice Ganda, mga ateng?!


Give 'her' a chance muna, malay natin, makatulong din naman talaga ang It's Showtime sa pag-angat ng ratings ng GTV, devah?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page