BILLY SA MADLANG PIPOL: MAG-MOVE ON NA TAYO, BAGO NA ANG ATING GOBYERNO
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 19, 2022

Nakaka-enjoy panoorin ang Lunch Out Loud, ang noontime show ng TV5, lalo na ang Maritest segment nila.
Ayon sa segment producer na si Pao Mendoza, magmula nang umpisahan nila ang Maritest, maganda ang mga feedback na kanilang natatanggap.
At may paliwanag pa si Billy Crawford, ang main host ng LOL, kung bakit may letter T ang Maritest.
Dahil in demand daw ang Marites na meaning ay chismosa, nilagyan nila ng 'T' dahil parang estudyante ang contestant kung saan may multiple choice silang ibibigay na answer at doon mamimili kung anong letter ang tamang sagot.
Kaya ang sabi ni Mr. Fu, ang kanilang guest na mapapanood sa June 3, ay "May ganu'nnn?"
Anyway, sa bawat tamang sagot ay may cash na mapapanalunan. Ten questions lahat na
mag-uumpisa sa P5K ang prize hanggang sa jackpot prize na P50K.
Nanghinayang kami dahil hindi nakuha ni Mr. Fu ang jackpot na P50K. Nag-stop na siya sa pang-sampung question nang offer-an ni Billy ng P35K.
Sa ika-10 palang tanong ay hindi na magbibigay ng choices para sa correct answer.
Anyway, masaya namang umuwi si Mr. Fu bitbit ang napanalunang P35K cash 'Nga pala, ang Maritest ay mapapanood every Monday, Wednesday at Friday.
Kapag Monday at Wednesday, ang contestant ay mga pangkaraniwang mamamayan at tuwing Biyernes naman ay mga celebrities.
At simula sa June 13, madaragdagan na ang jackpot prize ng Maritest, magiging P75K na ito! O, 'di ba, bongga?!
Natutuwa ang buong staff na patuloy na mapapanood ang kanilang LOL.
Sobrang hands-on daw ang kanilang bossing na si Cong. Javi Benitez sa kanilang noontime show.
"Mas nai-inspire nga kaming magtrabaho dahil ang bait ng aming boss," ayon sa mga hosts ng LOL.
"At saka, tama na 'yung sinasabi nilang mawawala na ang programa namin. Eh, hanggang ngayon, heto pa rin kami. Mag-move on na tayo, bago na ang ating gobyerno. Mag-concentrate na lang sa bago naming Maritest with letter T sa huli at hindi 'yung Marites na ang meaning ay chismosa," anila pa.
"Very well said," ang amin na lang nasabi.





Comments