top of page
Search
  • BULGAR

Bilib na bilib sa galing ng mga bading… ICE, GAME MAGING DRAG QUEEN

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 9, 2024




Basta ang open na open at walang-walang itinatago sa katawan o anumang skeleton in the closet ay ang singer-songwriter-producer-manager at ngayon ay businessman na ring si Ice Seguerra.


All-out ang mag-asawang Ice at Liza Diño-Seguerra sa kanilang pagsuporta sa mga kapwa LGBT members at in fact, ang ganda ng naisipan nilang bagong negosyong itinayo katuwang ang mga kapwa negosyante ring sina RS Francisco, Loui Gene Cabel, LGBT advocate and kick-ass businesswoman Cecille Bravo, along with The Divine Divas na sina Precious Paula Nicole, Viñas De Luxe at Brigiding.


Ito nga 'yung Rampa Drag Club na magbubukas sa January 17 sa Quezon City kung saan magkakaroon na ng venue ang mga drag queens tulad ng Divine Divas at kanilang mga bagong tuklas na talents para i-showcase ang kanilang mala-Broadway performances.


Nagpa-sample nga ang Divine Divas at kanilang mga mentees ng nangangabog na performances sa ginanap na mediacon sa Karma Lounge QC para sa launch ng Rampa Drag Club sa January 7 at tuwang-tuwa ang media people at iba pang guests, lalung-lalo na si Ice na proud na proud sa Divine Divas.


Si Ice pa mismo ang kumukuha ng pictures at videos sa performance ng Divine Divas at siguro, sa bahay ay pinapanood niya ang mga ito.


Dahil nang matanong kung puwede rin ba siyang maging drag queen, inamin ng dating napakabibong child star na gusto nga rin niyang maging tulad ng Divine Divas at ma-try ang ginagawa ng mga ito with matching costumes na pagkakukulay!


Oh, 'di ba? Next level ng career ni Ice kapag nagkataon! At very supportive naman ang kanyang wifey na si former FDCP Chair Liza Diño sa lahat ng trip at pangarap ni Ice.


Kaya abangan natin sa opening ng Rampa Drag Club sa January 17, malay natin, isa na pala si Ice sa mga naka-costume na mala-drag queen at sumasayaw nang pagkagaslaw-gaslaw sa harap ng ating mga mata, hahahaha!

 

 



 

 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page