top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bilib kay Robin... RUFA MAE, GUSTO RING TUMAKBONG SENADOR

BULGAR
Jun 8, 2022
2 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | June 8, 2022



Na-miss lang ba namin ang comedy ni Rufa Mae Quinto o talagang mas nakakatawa siya ngayon?


Tawang-tawa sa kanya ang press people sa mga hirit at punchline niya sa mediacon ng comedy show ng GTV na ‘Tols. Walang script si RMQ, tuluy-tuloy ang mga punchline niya sa boses at tono na minahal ng mga fans, kaya mas lalong nakakatawa.


Nakakatawa rin ang role ni Rufa Mae sa comedy show bilang si Barbie na dating OFW, umuwi ng Pilipinas para makapiling ang tatlo niyang mga anak. Ang gumaganap niyang mga anak ay sina Kelvin Miranda, Shaun Salvador at Abdul Raman. Nililigawan siya ni Betong Sumaya at riot ang mga eksena nila.


Imagine si Rufa Mae, mother ng tatlong binata! Tanggap niya ito na sa edad niya, hindi na niya maiiwasan ang mga ganitong roles. Ipapakita naman sa show kung bakit siya nagkaanak ng mga kasing-edad nina Kelvin, Shaun at Abdul.


Si Monti Parungao ang director ng ‘Tols na akala ni Rufa Mae ay plural ng "‘Tol" at partnership ito ng GMA Network at Merlion Production.


Sabi ni Direk Monti, ang peg nila ay Palibhasa Lalake ng ABS-CBN noon. Sa June 27, 7:00 PM ang premiere ng comedy show sa GTV.


Pinatawa pala ni Rufa ang press sa sinabing parang gusto niyang pumasok sa pulitika at tumakbong senador, pero hanggang du'n lang. May plataporma na nga siya at ang problema na lang, wala siyang pera para magpulitika.


Pinag-comment din si Rufa Mae sa pagkakapanalo at pagna-number one ni Robin Padilla sa mga nanalong senador.


“Very proud ako sa kanya at deserve niya ‘yun. Matulungin si Robin at kahit last money na niya, ibibigay pa sa nangangailangan. Nakasama ko siya sa movie dati at kapag may naaaksidenteng kasama sa cast, binibigyan niya ng pera at dinadala sa hospital. Nade-delay ang shooting namin dahil dinadala niya sa ospital ang kasama naming naaksidente,” kuwento ni Rufa Mae.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page