top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Bilang ng may leptos sa M. Mla., 562 na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 32 minutes ago
  • 1 min read

by Sarah Muñoz (OJT) @News | September 6, 2026



Leptospirosis, IV fluid dextrose, hospital - fp

Photo: File



Umabot na sa 562 ang bilang ng mga pasyenteng kasalukuyang naka-admit sa mga ospital ng Department of Health (DOH) sa Metro Manila dahil sa leptospirosis.


Ayon sa DOH, batay sa datos hanggang alas-6 ng gabi noong Setyembre 3, nasa 562 pasyente ang ginagamot sa kanilang mga ospital.


May kabuuang 20 DOH hospitals sa Metro Manila na may 602 beds na inilaan para sa mga pasyenteng may leptospirosis.


Dahil mataas ang bilang ng mga nangangailangan ng gamutan, patuloy ang koordinasyon ng DOH sa paglilipat at pagre-refer ng mga pasyente sa mga ospital na mayroon pang sapat at angkop na kapasidad.


Kabilang dito ang mga pasyenteng nangangailangan ng mas mataas na antas ng pangangalaga, gaya ng dialysis.


Samantala, sinabi ng DOH na nakapamahagi na ito ng 1,204,200 capsules ng doxycycline hanggang Setyembre 4 sa mga lugar na nangangailangan ng gamot laban sa leptospirosis.


May nakaimbak din na 2,624,089 capsules ng doxycycline sa mga Centers for Health Development, habang may karagdagang 40,812 capsules sa mga DOH-retained hospitals.


Kasabay nito, muling nagpaalala ang DOH sa publiko na umiwas sa baha, lalo na kung may sugat o galos sa balat, dahil maaaring makuha ang leptospirosis sa kontaminadong tubig.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page