Bilang ng COVID-19, mas bumaba pa!
ni Ka Ambo - @Bistado | May 10, 2021
Bumababa na nang todo ang bilang ng nagkaka-COVID.
Yipeee!
◘◘◘
WALA bang magdedebate kung paano maibabalik sa trabaho ang milyun-milyong obrero?
Magdebate tayo sa mapagkakakuwartahan, hindi ‘yung isyu na magbubunsod ng panibagong krisis sa digmaan!
◘◘◘
IMBES na tumulong ang mga kritiko ni P-Digong, nambubuwisit.
Kunsabagay, nakatutulong sila upang mailihis ang tunay na isyu — ang pagdarahop!
◘◘◘
UMABOT na sa higit 400,000 ang nagkaka-COVID sa India.
Higit na rin sa 4,000 ang namamatay kada araw.
Mala-impiyerno ang sitwasyon sa maraming ospital!
◘◘◘
HIGIT sa isang bilyon ang tao sa India.
Nasasaksihan at aktuwal na nararamdaman ang epekto ng over population!
◘◘◘
KAHIT nag-ugat sa China ang pandemic at kahit may higit sa 2 bilyong ang populasyon, naidisiplina nila ang mamamayan.
‘Yan ang pagkakaiba ng komunismo at demokrasya!
◘◘◘
ANG pagdidikta ng gobyerno ay mahalaga sa panahon ng krisis.
Ang “kalayaan” ay side effect ng demokrasya sa panahon ng pandemya!
◘◘◘
ISANG oportunidad ang ibinigay ng krisis sa bawat henerasyon.
Isa rito ay ang pagninilay-nilay at pagbabalik-aral sa sistema ng gobyerno at estilo ng liderato!
◘◘◘
MARAMI pang krisis na nagbabanta sa ating henerasyon.
Kabilang dito ang inaasahang nuclear war, pagtama ng asteroid, malalaking pagbaha, matinding tagyelo at tag-init.
Pagbabalik ng peste sa halaman at hayop!
◘◘◘
BIGO ang UN at WHO na mapigil ang anumang world crisis.
Nasaksihan at nararanasan natin ito ngayon!
◘◘◘
MAHIRAP limutin ang administrasyong Duterte at Trump.
Hindi ordinaryo ang kanilang personalidad, hindi rin ordinary ang krisis na naranasan ng mundo nang hindi sila ang aktuwal na pinagmulan.
May balat ba sila sa wetpu?
◘◘◘
KABILANG sa inobasyon na mararanasan natin ay ang media convergence.
Hindi nalilipasan ang dyornalismo, naghuhunos lamang ito!





Comments