Bilang judge sa Idol Phils. 2… VICE AT JAMES, PINALITAN NINA GARY V AT CHITO
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 24, 2022

Si Robi Domingo ang bagong host ng Idol Philippines Season 2. In-announce ito ni Janine Gutierrez sa A.S.A.P. last Sunday.
"It is my honor to be part of this very iconic show," sey ng TV host na kasalukuyan ding host ng Pinoy Big Brother: Kumunity.
Nagbabalik-hurado naman sina Regine Velasquez at Moira dela Torre, habang ang mga bagong hurado ay sina Gary Valenciano at Chito Miranda kapalit nina Vice Ganda at James Reid.
Wala pang inaanunsiyong premiere date para sa ikalawang season ng Idol Philippines.
Samantala, may mga nagtatanong, bakit daw hindi pa si Moira ang tinanggal gayung wala naman daw sustansiya kung magbigay ng opinyon ang singer? Para raw itong laging natutulog sa pansitan.
Dapat daw ay si Vice na lang ang ini-retain para may buhay naman ang singing competition.
Komento nga ng mga netizens sa larawang ipinost kung saan magkakasama ang mga hurado at ang host ng show…
"Hitsura ni Moira d'yan, parang kakagising lang."
"Pati siya, inaantok sa sarili niya."
"Para lang siyang sleeping beauty."
"Ano'ng sleeping beauty ka d'yan? Si Moira? Lol... Ibig sabihin nu'ng parang bagong gising, eh, boring pagkatao ni Moira."
Sabi naman ng isa, "Sana, tinanggal na si Moira at si Ely (Buendia) na lang imbes 'yung isa."
Patungkol naman kay Robi ang komentong ito, "Sana, may mag-advise kay Robi na hanapin ang sarili niyang style sa pagho-host. Parang anino kasi siya ni Luis. Lagi nating naririnig sa mga judges ng singing contest ang advice sa mga contestants na hanapin ang sarili nilang boses at style. Sana, may magsabi rin kay Robi as a host."
"Luis has always been supportive of Robi and he is one of the mentors & idols of Robi when it comes to hosting. Congratulations, Robi!"





Comments