Bigyan ng stylist 'yan! ALDEN, BADUY MANAMIT, NAGMUMUKHANG MASYONDA
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 30, 2023

May ilang netizens ang nagtatanong kung sino raw ang stylist ngayon ni Alden Richards?
May stylist ba siya na nag-aalaga sa kanyang wardrobe kapag may event na pupuntahan?
Sa isa kasing event na dinaluhan ni Alden recently ay hindi bumagay sa kanya ang white polo and pants na mala-K-Pop ang dating, kaya may mga nang-bash sa kanya.
Dapat daw, ikuha ng GMA Network ng isang magaling na stylist si Alden Richards na magbibihis sa kanya kapag may event siyang dadaluhan. Kailangan na bumagay sa kanya at sa kanyang edad ang mga ipasusuot kay Alden Richards. Nagma-mature kasi ang hitsura niya at nakakabawas ng pogi points.





Comments