top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bigyan daw ng time mag-aral… ROBIN, MAGPAPATURO SA MGA KAPWA SENADOR

BULGAR
Jun 5, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 5, 2022



Kung naging number 1 senator man si Robin Padilla sa nakaraang election, marami pa rin sa kanyang mga detractors ang hindi kumbinsido na makakaya niyang gampanan ang trabaho ng isang senador.


Sa Committee on Constitutional Amendments na-assign si Sen. Robin Padilla, kaya kinukuwestiyon ang kanyang kakayahan. May sapat ba siyang kaalaman sa trabahong ibinigay sa kanya?


Pero sabi nga ni Sen. Padilla, willing siyang mag-aral ng mga batas. At marami namang datihang senador ang handang tumulong at alalayan siya sa kanyang gawain sa Senado tulad nina Sen. Migz Zubiri at Sen. Loren Legarda, ganu'n din si Atty. Salvador Panelo na naging kaibigan ni Sen. Robin.


Tanggap naman ni Sen. Padilla ang kanyang mga pagkukulang at kahinaan, kaya handa siyang tumanggap ng tulong at advise sa mga kasamahang senador.


Mataas ang expectation kay Sen. Robin ng mga Pinoy kaya gagawin niya ang lahat upang hindi biguin ang mga bumoto at nagtiwala sa kanya. Tanging pakiusap niya ay bigyan lang siya ng sapat na panahon. Nangangapa pa lang siya ngayon dahil unang sabak lang niya sa Senado. For sure, mauunawaan naman siya ng lahat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page