Bigtime tulak, huli sa P3M shabu
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Mervin Reyes @News | August 19, 2026

Photo: Circulated / PNP Quezon Police Provincial Office
Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang umano’y high-value drug trafficker sa Lucena City, Quezon, Martes ng madaling-araw.
Ayon kay Quezon Police Provincial Office Chief Col. Romulo Albacea, naaresto ang suspek na si alyas Ogie, 36, alas-3:01 ng madaling-araw matapos umanong magbenta ng P1,000 halaga ng shabu sa isang police poseur-buyer sa Brgy. Ibabang Dupay.
Nakumpiska sa suspek ang isang heat-sealed sachet at dalawang knot-tied plastic bag na naglalaman umano ng 150 gramo ng hinihinalang shabu na P3,000,060 ang estimated street value.
Nakumpiska rin ang motorsiklong pinaniniwalaang ginagamit sa ilegal na aktibidad ng suspek.





Comments