Bigtime rollback... Diesel P11.04, gasoline P5.90, kerosene P11.82, LPG P13
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | June 23, 2026

Photo: File
Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) ang malaking rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Inaasahang bababa ang presyo ng gasolina ng mula P3.90 hanggang P5.90 kada litro.
Ang diesel naman ay mula P9.04 hanggang P11.04 kada litro. Samantala, bababa rin ang presyo ng kerosene ng mula P9.82 hanggang P11.82 kada litro.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, ang mga pagbabagong ito sa presyo ay batay sa galaw ng pandaigdigang merkado noong nakaraang linggo.
Samantala, may bigtime rollback din sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa Hulyo.
Ayon kay Arnel Ty, presidente ng LPG Marketers Association (LPGMA), naglalaro sa P12 hanggang P13 kada kilo ang posibleng ibaba sa presyo ng LPG kasunod ng napirmahang kasunduan sa pagbubukas ng Strait of Hormuz.
Katumbas ito ng P132 hanggang P133 na bawas-presyo o kada 11 kilogram na tangke ng LPG.





Comments