top of page
WINNER - NETIZENS KAY PANELO KAWAWANG ‘PINAS!-IG _salvador.panelo & FB Robin Padilla.jpg

Bigtime oil price hike, non-stop... P6.50 diesel, P6 gasoline

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | July 25, 2026



Gasoline fuel - frp

Photo: File



Muli na namang tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, kung saan maaaring umabot sa P6.50 kada litro dahil sa lumalalang pangamba sa pandaigdigang suplay ng langis.


Ayon kay Jetti Petroleum President Leo Bellas nitong Biyernes, maaaring tumaas ng P6 hanggang P6.50 kada litro ang presyo ng diesel, habang inaasahan namang madaragdagan ng P5.50 hanggang P6 kada litro ang gasolina.


Ipinaliwanag ni Bellas na malaki ang itinaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa pangamba sa posibleng mas malaking pagkaantala sa suplay ng langis.


Aniya, nananatiling limitado ang pagdaan ng mga barko sa Strait of Hormuz, habang tumitindi rin ang banta sa seguridad sa Bab el-Mandeb Strait, na nagpapalawak sa epekto ng sigalot at nagdudulot ng panganib sa pandaigdigang suplay ng enerhiya at kalakalan.


Batay ang pagtataya ni Bellas sa unang apat na araw ng kalakalan sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at sa galaw ng foreign exchange. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page