top of page

Bigman, bilis at 3 pointers ng Lebanon, tumalo sa Gilas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 27, 2022
  • 2 min read

ni Gerard Arce / VA - @Sports | August 27, 2022




Patuloy ang dominasyon ng koponan ng Lebanon kontra Gilas Pilipinas, matapos nilang gapiin ang mga Pinoy, 85-81 sa FIBA World Cup Qualifiers kahapon ng madaling-araw (Manila time) sa Nouhad Naufal Sports Complex sa Beirut.


Sinamantala ng mga Lebanese ang mga unforced turnovers sampu ng rebounding problems ng Gilas na nahirapan sa naturang aspeto sa kabila ng presensya ni NBA star at naturalized player Jordan Clarkson.


Nagsilbing pinakamatinding hadlang para makamit ng Gilas ang tagumpay si Wael Arakji na siyang gumawa ng mahahalagang baskets para sa mga Lebanese sa final stretch. Naunsiyami ang paghahabol ng mga Pinoy sa 4th quarter nang umiskor si Arakji ng 5 sunod na puntos kabilang na ang isang corner 3 pointer may natitira na lang 16.3 segundo sa laban.


Tumapos si Arakji na may 24 puntos kasunod si Amir Saoud na may 17 puntos. Ñaging malaking problema ng Gilas ang naitalang 21 turnovers. Nanguna si Clarkson para sa Gilas sa ipinoste nitong 27 puntos kasunod si Dwight Ramos na may 18 puntos. Nauna ng natalo ang Gilas sa Lebanon, 95-80 noong Hulyo 2021 sa nakaraang FIBA Asia Cup.


Sa gitna ng kanilang natamong na kabiguan sa kamay ng Lebanon naniniwala si Jordan Clarkson na makakabawi at aangat pa ang laro ng Gilas Pilipinas. “For us, this is bright. We’re just getting this team together,” ani Clarkson na tumapos na may 27 puntos, 7 assists at 6 rebounds.

Ayon sa Utah Jazz star impresibo ang mga bagong miyembro ng national team sa pangunguna nina Dwight Ramos at Kai Sotto. “We got some good young stars on the team,” ani Clarkson. “Dwight played really well as well. Kai played well.”


Nag-deliver si Ramos ng solidong laro sa itinalang 18 puntos, 10 rebounds, at 6 steals, habang tumapos si Sotto na may 10 puntos, 8 rebounds at 2 steals. “I think it was all around a really good effort. We had a chance to win the game. I missed some shots towards the end of the game that I feel like I usually make,” ayon pa kay Clarkson.

Just a tough one tonight.”

Bumaba sa kartadang 2-3 sa Group E, tatangkain ng Gilas Pilipinas na gawing patas ang kanilang rekord sa pagsagupa nila sa Saudi Arabia sa Lunes-Agosto 29 sa MOA Arena.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page