top of page

Eala handa sa Wimbledon, no. 56 na sa World Ranking

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 30
  • 2 min read

ni MC @Sports News | June 30, 2025



Photo: Emosyonal si Alex Eala nang mabanggit ang matinding pinagdaanang laban kay Maya Joint ng Australia nang talunin siya nito sa thrilling game, 4-6, 6-2, 6(10)-7 sa finals ng 2025 Lexus Eastbourne Open sa England, Sabado ng gabi.  Tumapos siyang runner-up sa naturang event. Siya rin ang unang Pinay na naabot ang  WTA final.  Mananatiling lalaban ang 20-anyos na tennis ace para sa sarili at para sa bayang Pilipinas. (screenshots)


Walang aaksayahing panahon si Filipina tennis ace Alex Eala dahil paghahandaan niya nang husto ang laban sa Wimbledon main draw debut sa Martes laban kay defending champion Barbora Krejcikova ng Czech Republic.


Tiyak na isang uphill battle niya ito laban kay  Krejcikova na ranked 17th sa mundo. 

Opisyal na ring umangat  sa no. 56 sa Women's Tennis Association rankings si Eala.

Samantala, labis ang iyak ni Eala matapos mahawakan ang kanyang Lexus Eastbourne Open runner-up trophy nang magapi ni Maya Joint ng Australia sa isang makapigil-hiningang final match sa Lexus Eastbourne International tennis tournament  sa England.  


Nabigo si Eala kay Joint sa championship match at hindi niya nakuha ang kauna-unahan sanang Women’s Tennis Association (WTA) title sa likod ng kabiguang  championship points sa 4-6, 6-1, 6(10)-7 pagkatalo, Sabado ng hatinggabi (Manila time).

Gayunman, makasaysayan pa rin para kay Eala na maging unang Pinoy na makapasok sa WTA final.


 “This is my first WTA final. It’s a big deal for me and you know, for my country too. It’s historic. Because this is the first time that any Filipina has done it,” garalgal na wika ni Eala kasabay ng pagpalakpak ng crowd at ang ilan ay naiyak din sa kanyang madamdaming pananalita.


It’s been a crazy year so I’ll remember this week and this moment forever,” ani Eala.

Sa gitna ng kanyang speech, malugod na binati ni Eala si Joint, ang world No. 51 sa pagkakapanalo nito sa kanilang laban. “I want to congratulate Maya for a great match and a great tournament. Yeah, I think, we did really well and I think, you know, if I was to lose to anyone, I think it would definitely be you. So congratulations,” aniya.


Bumuhos naman ang pagbati ng netizens sa kanya at marami ang nagsasabi na magpatuloy lang at makakamit din niya ang inaasam na tagumpay. “I guess that’s also why I’m so emotional but you know, this is the first. I’ll work hard to do more. Wimbledon’s next week so, hopefully, I forget about this match soon enough.” 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page