top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

Biglang tumawid sa runway... Lalaki nasagasaan ng eroplano, dedbol

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | May 11, 2026



Denver International Airport incident - Circulated ABC


Isang katao ang nasawi matapos masagasaan ng isang eroplano sa Denver International Airport.


Ayon sa mga otoridad, bigla umanong tumawid sa runway ang isang lalaki habang papalipad ang isang Frontier Airlines Airbus A321.

Paalis sana ang eroplano mula Denver patungong Los Angeles, sakay ang 224 na pasahero at pitong crew members.


Dahil sa insidente, naantala ang biyahe at inilipat sa ibang eroplano ang mga pasahero.

Nagkaroon din ng sunog sa bahagi ng cabin ng eroplano kaya agad rumesponde ang mga bumbero at emergency crews upang apulahin ito at tiyakin ang kaligtasan ng mga sakay.


Bagama’t hindi pa inilalabas ang pagkakakilanlan ng biktima, naniniwala ang mga otoridad na isa itong empleyado ng paliparan.





15-ANYOS, NIREYP NG MONGHENG BUDISTA


Arestado ang isang mataas na ranggong mongheng Budista sa Sri Lanka at ikinulong sa remand prison dahil sa paratang na panggagahasa at sekswal na pang-aabuso sa isang 15-anyos na babae.


Ang monghe na si Venerable Pallegama Hemarathana Thero ay itinuturing na isa sa mga pinakamataas na lider sa Budismo sa bansa bilang tagapangalaga ng walong banal na lugar sa Sri Lanka.


Inaresto siya matapos ang reklamo ng ahensya ng proteksyon ng mga bata, na nag-ulat din ng kabiguan ng pulisya na agad siyang dakpin kahit dati nang tinukoy bilang suspek.

Wala pa siyang pahayag tungkol sa mga akusasyon at nakatakdang humarap sa korte sa ika-12 ng Mayo.


Kasabay nito, inaresto rin ang ina ng umano’y biktima dahil sa paratang na pagtulong sa naganap na pang-aabuso.


Nasa pribadong ospital sa Colombo ang monghe nang arestuhin at kalaunan ay iniutos na ilipat sa ospital ng bilangguan. Pinaiiwas din siya ng korte na makalabas ng bansa habang dinidinig ang kaso. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page