top of page
Search
  • BULGAR

Biglang-sikat dahil kay Sandro Marcos… ALEXA MIRO, LEADING LADY NA SA NET25

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 27, 2022


Leading lady ni Empoy Marquez ang role ni Alexa Miro sa isa sa mga bagong shows na ini-launch ng NET25, ang Ano'ng Meron Kay Abok?.


Sino si Alexa?


Well, ilang taon na ring nasa showbiz ang aktres-TV host at nakasama na rin sa ilang TV shows at pelikula, pero umingay lang talaga ang kanyang pangalan nang ma-link sa First Son-congressman na si Sandro Marcos.


Aminado naman si Alexa na close friends sila ni Sandro, bagama't wala siyang diretsahang pag-amin sa nababalitang relasyon nila.


Sa launch ng kanilang sitcom ni Empoy sa NET25, tinanong namin si Alexa kung ang pagkaka-link ba niya kay Sandro ang isa sa mga dahilan kung bakit siya napansin ng network at ginawang bida? At napi-feel na ba niyang VIP ang treatment sa kanya ngayon?


Sagot ng dalaga, ayaw niyang isiping dahil kay Sandro kaya siya nagkaroon ng big break sa NET25. In fairness to her naman, she works hard daw sa mga shows na nasasamahan niya tulad ng LOL sa TV5.


At may nakapagsabi raw sa kanya na may bagong show na bubuksan ang NET25 kaya nag-try naman siya at heto na nga ngayon, siya ang gaganap na leading lady ni Empoy sa Ano'ng Meron Kay Abok? na magsisimula na sa Oct. 1, Saturday, 7 PM.


Hindi rin naman daw niya napi-feel na VIP treatment ang ibinibigay sa kanya ng lahat at tulad pa rin daw ng dati, maliban na lang 'pag magkasama sila ni Sandro na napapaligiran nga sila ng mga PSG.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page