top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Biglang nabulgar dahil sa post ni Rodjun sa binyag…AMA NG ANAK NI WINWYN, HAWIG KAY PAULO AVELINO

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 9, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | October 9, 2022



Sa binyag ng anak ni Winwyn Marquez na si Baby Luna, nagkaroon ng face reveal ang partner ni Winwyn at ama ng kanyang anak.


Ang nakakatuwa lang, hindi mismong si Winwyn ang nag-post ng photo kundi si Rodjun Cruz na isa sa mga ninong ng baby.


Hindi naman siguro magagalit si Winwyn at ang partner nito na inunahan sila ni Rodjun sa face reveal dahil hindi naman pinangalanan ng aktor ang kanyang kumpare. Basta nag-post lang siya ng photos sa binyag at meron ngang litrato na kasama rin si Enzo Pineda na isa rin sa mga ninong.


Saka, maganda ang comments ng mga netizens sa partner ni Winwyn. Sabi nila, guwapo ito, maaliwalas ang mukha at parang positive raw ang datingan at mukhang mabait. May nag-comment pa na may anggulo na kamukha nito si Paulo Avelino.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page