Biglang dumami, Xian… PAULO, MABENTA LANG SA ENDORSEMENT 'PAG KASAMA SI KIM
- BULGAR

- May 19, 2024
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | May 19, 2024

Well, sa kasikatan ng KimPau (Kim at Paulo) sa ngayon, halata namang mas nakikinabang si Paulo Avelino sa maraming bagay.
Sa kanilang dalawa kasi ni Kim Chiu, ang aktres ang higit na laging nasa limelight, maganda ang exposure, may solid following at sagana sa mga endorsements.
Sa panig ni Paulo, aside sa pagiging magaling na aktor at tahimik sa personal na buhay ay wala nang ibang alam ang publiko sa kanya.
In short, sa ingay ng kanilang tambalan after ng kanilang successful TV series at possible movie team-up in the future ay si Paulo itong higit na nasa victory side.
Ayon nga sa aming mga nakausap sa advertising world, tumaas bigla ang marketability ng aktor after nitong ma-link kay Kim at patunay nga rito ang napakarami umanong inquiries para i-endorse ang mga products at services ng mga ito.
‘Yun nga lang, mas madalas daw na ang request ay dapat na magkasama sila ni Kim.
Meaning, kung walang Kim, waley!
So, Paulo has really need to play his cards well kung gusto niyang magpatuloy ang pag-ani niya ng kasikatan, tagumpay and yes, paglaki ng 'income'.





Comments