top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Biglaan daw lahat, wala sa plano… ANDREA, UMAMING 1 LINGGO LANG, BUMIGAY NA KAY RICCI

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 12, 2022
4 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | July 12, 2022




Sa mga makakapanood ng YouTube channel ni Karen Davila sa one-on-one interview niya kay Andrea Brillantes, dito malalaman kung saan galing ang mga hugot at pagbe-baby talk ng aktres.


Isa kami sa mga pumipitik sa batang aktres na ito dahil nga sa pagiging prangka niya na minsan ay wala sa lugar, kaya lagi siyang naba-bash. Pero nang mapanood namin ang panayam sa kanya ni Karen ay dito na namin siya lubos na naunawaan.


Ang pagkakaroon niya ng kasintahan sa katauhan ng basketbolistang si Ricci Rivero ay wala sa plano, nagkataon lang na nandoon siya sa posisyong mending a broken heart.


Pagtatapat ni Andrea, “Wala po talaga akong plano na mag-boyfriend na ulit. Kasi galing po ako sa biggest heartbreak ko. Lost na ako, tapos habang nagkaroon ng issue sa biggest heartbreak ko na 'yun, namatay din 'yung tita ko. Lahat ng hurt ko noon, pinagtawanan lang ng mga tao.


“Sinasabi nila, wala akong karapatang masaktan. Hindi nila alam na hurt and confused lang ako sa mga nangyayari. So, ako, sobrang lost ko noon, kasi hindi ko nga alam kung paano mag-move on, eh. Paano ba mag-move on sa tita ko, tapos 'yung sa issues na sinasabi ng lahat ng tao?”


Ipinagdiinan ni Andrea na walang overlap na nangyari o kaagad siyang nagkaroon ng Ricci sa buhay niya pagkatapos nilang maghiwalay ng ex-boyfriend niya.


“'Yung sa dyowa ko, naging issue rin siya, wala naman na kami. Saka pinalipas ko 'yung three-month rule,” tumawang sabi ng aktres.


“Nu'ng nakita ko siya, wala na rin naman na kami nu'ng ex ko noon. So, para lang wala pong third party or anything. Saka nu'ng nakita ko siya, sawi pa rin ako ru'n sa isa. At alam din naman 'yun ni Ricci.


"Hindi po ako mahilig sa basketball player. Sabi kasi nila, manloloko 'yung mga ganyan.


Kaya sabi ko, hindi na. Ayaw ko na nga ng another heartbreak.


"Nu'ng nakita kong nagpo-post siya sa IG, magka-follow kami doon, tungkol sa astrology, eh, mahilig ako roon. Sabi ko, 'Uy, mahilig ka pala diyan.' Tapos sabi niya, 'Yeah.' Tapos, hindi na ako nag-reply, nakalimutan ko na.”


Hanggang sa nanood siya ng game ni Ricci sa UAAP sa Mall of Asia Arena noong Abril.


“Ang totoo po nu'n, ihingi-ihi na ako nu'n, ang daming nagpapa-picture, pero ako, CR na CR na, tapos umupo lang ako, may in-edit lang ako (cellphone), tapos biglang kinuha niya (Ricci) ‘yung mic, siyempre, nagsasalita siya, tapos nakinig ako. Pero nasa utak ko pa rin, CR na CR na ako.


“Tapos, bigla niyang sinabi na, ‘I just want to ask…’ hala, biglang nawala ‘yung CR ko, kasi nanginginig ako, as in first time ‘yung tuhod ko, nanlamig.


“Although may kutob na ako kasi before, nanliligaw na po siya, tapos sabi ko, 'After na lang ng UAAP mo,' kasi siyempre, gusto ko ru'n siya mag-focus. Tapos, sabi ko, 'Sige na nga, kahit kailan mo ako gustong tanungin' kasi hinihintay niya lang kung kailan din okay sa akin. Tapos after a week, nagtanong na siya,” pagkukuwento ni Andrea tungkol sa simula ng love story nila ni Ricci.


Samantala, taong 2019 ay nagpagawa ng bahay si Andrea para sa pamilya niya mula sa mga kinita na inipun-ipon ng mommy niya para makabuo, pero hindi ganu’n kadali ang pinagdaanan ng aktres bago naipatayo ang magandang bahay nito sa isang eksklusibong subdibisyon.


“Actually, sa squatter's area po kami nakatira before. May work naman both parents ko dati pero lumaki ako sa grandparents ko, 5 years old yata ako."


Bunso sa apat na magkakapatid si Andrea, pero siya ang naging breadwinner. Tuition lang daw ng mga kapatid ang hindi niya sagot dahil nakukuha nila ito sa pamilya ng daddy niya. Pero 'yung sarili niyang tuition, siya raw ang nagbabayad.


Marami raw siyang isinakripisyo para sa pamilya.


“Nawalan ako ng childhood kasi ang dami kong sinacrifice. May mga dream school ako, as in na kaya ko naman (bayaran ang tuition) pero kapag pumasok ako sa school na ‘yun, magugutom kami.


“Kaya isa-sacrifice ko na lang (hindi roon mag-aral). Mostly kasi, sa friends ko, mayayaman sila kaya may konting inggit (akong naramdaman) nu’ng bata ako na kung hindi ko ba isine-share lahat ng money ko, mabibilhan ko rin kaya ang sarili ko ng mga ganitong bagay?


“Para sa akin kasi, gusto ko lang din naman na meron ako. Pero nu’ng tumatanda na sina ate at kuya, pansin ko, ‘Ay, parang bumabait na sila. Natututo na silang mag-thank you, mag-sorry o magpaalam (kapag may hihiraming gamit). Nu’ng tumanda na sila, ay, alam na nila ang hirap ng buhay,” kuwento pa ni Blythe (tunay na pangalan ni Andrea).


At tungkol sa pagbe-baby talk niya.


“'Yung pagbe-baby talk ko na laging nagte-trending, voice ko talaga. Pero hindi ko napipiling gamitin, subconsciously, bigla na lang nagsu-switch. Kasi nu’ng bata ako, kulang din ako sa pansin kasi nga bunso ako, hindi ako lumaki sa parents ko.


"Baby-baby talaga ako, ‘yung voice ko, pero ‘yung pagbe-baby talk ko, sometimes, good and bad, (kusang) lumalabas kasi ibig sabihin, komportable ako sa ‘yo or feeling ko, may nakikita akong father figure sa ‘yo or kuya or ate figure kasi lumaki ako sa broken family.

“Kaya kapag nakakakita ako nu’ng ganu’n, lumalabas ang pagka-baby talk ko kapag masyado akong excited or happy. Feeling ko, part ng childhood (baby talk) na nawala.”


Hayan, gets na gets na namin kung saan nanggagaling si Andrea kaya bakit lagi siyang misunderstood.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page