top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Bigating Pinay futbolera pangako ang higit na 5th place sa Asiad

Writer: BULGAR
BULGAR
3 days ago
2 min read

by Anthony Servinio @Sports News | September 10, 2026



Si Hali Long, ang 2025-26 Futbolera of the Year ng Philippine Women's Football Association, tinatanggap ang parangal sa nagwagi noong nakaraang taon Dionesa Tolentin.

Mga larawan: Si Hali Long, ang 2025-26 Futbolera of the Year ng Philippine Women's Football Association, tinatanggap ang parangal sa nagwagi noong nakaraang taon Dionesa Tolentin. (A. Servinio)


Positibong enerhiya ang umaapaw matapos ang matagumpay na kampo ng Philippine Women's Football Team para sa Aichi-Nagoya Asian Games. Aalis ngayong Biyernes ang pambansang koponan at puntiryang higitan ang pagiging ika-lima sa Hangzhou 2022.


Buo na ang Filipinas maliban kay Jackie Sawicki at Leah Bradley na tutungo agad sa Japan. Dahil hindi sakop ng kalendaryo ng FIFA, hindi obligado ang mga club na ipahiram ang kanilang mga manlalaro subalit may kabutihang nakikita si Coach Mark Torcaso.


Ang Hangzhou ang unang opisyal na torneo ni Coach Torcaso at inamin niya na naninibago siya sa sistema na ituturo sa koponan at sa kabuuang kultura ng Football sa bansa.


Ang pagliban ng ilang beterana ay nagbukas ng puwang para masubukan ang ilang mga kabataan para sa ultimong layunin na FIFA Women's World Cup Brazil 2027. Sa kasamaang palad, ilan sa naunang inihayag na listahan ay kinailangang lumiban pangunahin si Angie Beard na napilay. Ilalabas ang huling listahan bago ang unang laro kontra Uzbekistan sa Setyembre 14.


Noong Huwebes ay nagdaos ang Filipinas ng pampublikong ensayo na sinundan ng pakikisalamuha sa kanilang mga tagahanga sa MOA Sky Football Field. Bilang bahagi ng programa, ginawaran si kapitana Hali Long bilang 2025-26 Futbolera of the Year ng Philippine Women's Football Association. Sina Long, Sawicki, Olivia McDaniel, Katrina Guillou, Reina Bonta, Sofia Harrison-Wunsch, Isabella Pasion at Kaya Hawkinson ang magbabalik mula Hangzhou 2022.


Sa gitna ng mga tinatamasang tagumpay ng Filipinas ay inulat ni Coach Torcaso na mas marami na ang naghayag ng nais na maglaro sa Filipinas at hindi siya magugulat kung aabot ng mahigit 50 ang mga kalahok sa mga kampo sa hinaharap.


Samantala, naniniwala si Coach Torcaso na mahusay ang ipapakita ng Men's Team. Hindi sabay ang araw ng laro ng mga babae at lalake kaya kukunin nila ang pagkakataon na suportahan ang mga kababayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page