Bigating Duathletes, abangan sa New Clark sa Disyembre
Updated: Oct 10, 2022
ni VA - @Sports | August 29, 2022

Inaasahang magkakatipon ang mga pangunahin at pinakamahuhusay na duathletes ng bansa sa idaraos na National Duathlon Championships (NDC) sa Disyembre 4 sa New Clark City (NCC). Ilan sa mga inaasahang mamumuno sa mga kalahok sina Southeast Asian Games medalists Fer Casares, Kim Mangrobang, Andrew Kim Remolino, Raven Alcoseba at John Chicano. Kasama rin nilang sasabak sa event na inorganisa ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP) ang kanilang mga national teammates na sina Raymund Torio, Ephraim Inigo, Jarwyn Banatao, Joy Trupa, Elaine Quismundo, Moira Erediano, Jena Valdez, Maynard Pecson at John Ciron. Ang races na nakatakdang paglabanan ay ang Standard Distance na binubuo ng 10-km run, 40-km bike at 5-km run, Sprint Distance na may 5-km run, 20-km bike at 2.5-km run at ang Super Sprint Distance na kinapapalooban ng 2.5-km run, 10-km bike at 2.5-km run. Gagamitin ang bilang bahagi ng selection process para sa mga magiging miyembro ng national team para sa 2023 Southeast Asian Games sa Cambodia. Kinumpirma rin ng Malaysia na gagawin din nilang basehan ang resulta ng NDC sa pagpili ng kanilang national team na isasabak sa Cambodia SEA Games.





Comments