Bigas at gas, may dagdag-presyo, kuryente may taas-singil din, grabe!
- BULGAR
- Sep 10, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | September 10, 2023
BTAAS NA NGA NG PRESYO NG GAS AT BIGAS, SUMABAY PA SA TAAS-SINGIL ANG MERALCO -- Ngayong buwan ng September 2023 ay nagtaas ang Meralco ng 50 sentimo per kWh para sa konsumo sa kuryente ng mamamayan.
Hay naku, sunud-sunod na nga ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, bigas at iba pang pagkain, tapos sumabay pa ang Meralco sa pagpapahirap sa taumbayan sa taas-singil sa konsumo ng kuryente, buset!
◘◘◘
MAY BUDGET SA CONFIDENTIAL FUNDS, PERO SA DRIVER’S AT NATIONAL ID WALA! -- Kapuna-puna sa budget deliberation sa Senado at Kongreso para sa year 2024, ay ang lalaking halagang pera ng bayan ang inaaprub para sa confidential funds ng mga trapo (traditional politicians), pero sa budget para sa paggawa ng driver’s license at national ID ay hindi tinatalakay.
Dahil d’yan, asahan nang next year ay papel na identification card (ID) pa rin ang ibibigay ng gobyerno sa mga kababayang kumukuha ng driver’s license at national ID, boom!
◘◘◘
KAPAG PER KILO NG BIGAS NAGING P90, MAGDIDILDIL NA LANG SA ASIN ANG MAHIHIRAP NA PINOY -- Ayon kay ex-P-Duterte ay posible raw na umabot sa P90 ang per kilo ng bigas.
Kapag nangyari ‘yan, malamang magdidildil na lang sa asin na pang-ulam sa kanin ang mahihirap nating mga kababayan, kasi nga ‘yung pambili nila ng ulam ay masasama na sa pambili ng isang kilong bigas worth P90, tsk!
◘◘◘
MAS POKUS ANG MGA SEN. AT CONG. SA PAG-APRUB SA CONFIDENTIAL FUNDS NG MGA TRAPO KAYSA RICE SUBSIDY SA MAHIHIRAP -- Sa sobrang mahal ng presyo ng bigas, dapat ang pagtuunan ng pansin ng mga senador at kongresista ay paglalaan ng malaking budget para sa rice subsidy ng mga mahihirap nating kababayan.
Ang problem, ayaw nilang pag-usapan ang tungkol sa rice subsidy, kasi ang mas pinagtutuunan ng pansin ng mga sen. at cong. ay ‘yung iaaprub nilang confidential funds ng mga trapo, buset!





Comments