top of page
Heart Evangelista.jpg

Big Winner ng PBBCCE… MIKA, AMINADONG MARAMING PINAGDAANAN BAGO NAGING ARTISTA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 6, 2026



FRANKLY - MIKA, AMINADONG MARAMING PINAGDAANAN BAGO NAGING ARTISTA_FB Mika Salamanca

Photo: FB Mika Salamanca



May payo ang aktres-vlogger na si Mika Salamanca para sa mga kapwa niya content creators.


As we all know, bago siya sumikat at naging Big Winner ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) ay isang matagumpay na content creator si Mika.


Kaya naman sa Hot Takes (HT) podcast ng ABS-CBN, natanong siya ng mga hosts kung ano ang mga payo na maaari niyang ibigay sa kanyang mga kasamahan sa vlogging industry.


“Siguro, ang masasabi ko sa kanila, alamin n’yo kung saan n’yo ilalagay ang linya ng ilalabas n’yo sa buhay n’yo. Kahit saan pa ‘yan, content creating man ‘yan, pag-aartista man ‘yan, sa paggawa ng kanta, everything. 


“Kailangan, alam n’yo kung saan kayo magdo-draw ng line talaga, kung ano ‘yung ipapakita n’yo sa tao, kung ano ‘yung ilalabas n’yo talaga,” pagbabahagi ng Sparkle artist.


Dagdag pa niya, “Alamin n’yo kung para saan at bakit kayo nagsisimula. Kasi ‘pag binatikos na kayo ng mga tao, binugbog na kayo ng mga tao sa mga salita nila, kailangan, alam mo kung saan ka babagsak. Alam mo dapat kung saan ka babalik. Para kumbaga, ‘di ka mawalan ng pag-asa na bumangon ulit.”


Ayon sa PBBCCE Big Winner, marami na raw siyang pinagdaanang iba’t ibang larangan bilang content creator hanggang sa napasok niya ang showbiz.


“Napunta rin ako sa world ng gaming, napunta ako sa streaming, ngayon, nasa mainstream ako, nag-aartista, tapos ngayon, itina-try ko naman ‘yung music,” aniya.





MALAKI ang pasasalamat ni Bianca Umali sa partnership nila ng advocacy organization na World Vision Philippines na naglalayong tumulong at mangalaga sa pangangailangan ng mga bata.


Ayon sa aktres sa kanyang Instagram (IG) post, gustung-gusto niya ang kanyang ginagawa sa nasabing organisasyon kung saan nabibigyan siya ng oportunidad na makatulong sa mga bata.


“Isa sa mga pinakamalaking biyaya sa buhay ko ang magkaroon ng pagkakataong maipagpatuloy ang partnership ko with World Vision.


“Sa dami ng mga bagay na ginagawa ko, ito talaga ang isa sa mga pinakamalapit sa puso ko,” saad ni Bianca.


“Bilang isang ate, lagi kong nararamdaman na may responsibilidad akong mag-alaga, makinig, umalalay, at magbigay ng pag-asa kung saan ko kaya. 


“Kaya napakaespesyal para sa akin ng pagkakataong makilala ang mga batang ‘to, marinig ang kanilang mga kuwento, makita ang kanilang mga pangarap, at kahit sa simpleng paraan ay maging bahagi ng kanilang paglalakbay,” patuloy niya.


“Sa bawat batang nakikilala ko sa pamamagitan ng World Vision, mas lalo akong napapaalalahanan kung gaano kahalaga ang mabigyan sila ng pagkakataong mangarap, makapag-aral, maging ligtas, at lumaki na may mga taong naniniwala sa kanila.


“Minsan, ang kailangan lang talaga ng isang bata ay ang maramdaman na may nakikinig, may nagmamalasakit, at may nagsasabing, ‘Kaya mo ‘yan. Naniniwala ako sa ‘yo.’


“At kung may isang bagay na gusto kong gawin habang may pagkakataon ako, ‘yun ay ang maging isa sa mga taong ‘yun para sa kanila,” saad pa ng aktres.


Advocacy din niya ang maipagpatuloy ang pagiging ‘ate’ niya hindi lang sa kanyang pamilya kundi sa iba pang mga bata.


“Habang may pagkakataon, patuloy kong pipiliing maging ate — hindi lang sa sarili kong pamilya, kundi sa mas marami pang batang nangangailangan ng pagmamahal, gabay, at pag-asa,” aniya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page