Big time talaga! IVANA, BINIGYAN NG IPHONE AT P64 THOU NA LARUAN ANG ANAK NI KATRINA
- BULGAR
- 6 days ago
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | July 4, 2025
Photo: Katie, Katrina Halili at Ivana Alawi - YT
Sa bagong vlog ni Ivana Alawi, bisita niya ang mag-inang Katrina Halili at Katie.
Ani Ivana, labis siyang natutuwa sa mag-ina dahil napapanood niya ang mga videos ng mga ito, kaya naisipan niyang i-guest sina Katrina at Katie sa kanyang vlog na may titulong Can’t Say No Challenge.
Naging instant bonding moment ang kanilang pagsasama kung saan hindi maaaring tumanggi si Ivana sa kahit anong hiling ng anak ng Kapuso actress.
Ang unang hiniling ni Katie ay mamili sa isang toy store na sinang-ayunan agad ni Ivana.
Sa gitna ng pamimili, namangha si Ivana sa disiplina at pag-uugali ni Katie, lalo na’t hindi basta-basta ito humihingi, ipinagpapaalam muna sa kanyang ina ang mga laruan bago ilagay sa kanyang shopping cart.
Umabot sa tumataginting na P64,000 ang kabuuang halaga ng pinamili ni Ivana na mga laruan ni Katie.
Hindi pa ru’n natapos ang sorpresa, dahil nag-request pa si Katie ng bagong iPhone, na agad ding pinagbigyan ni Ivana.
Bagama’t may kamahalan ito, kapansin-pansin ang kasiyahan sa mukha ng bata, bagay na labis na ikinatuwa ng ina gayundin ng kanyang “Tita Ivana”.
Taos-pusong nagpasalamat si Katrina kay Ivana at ibinahagi ang kasiyahan para sa anak.
Sa huli, humanga naman si Ivana sa pagpapalaki ng Kapuso actress sa anak niyang si Katie, na ayon sa kanya ay mabait, sweet, at magalang na bata.
May bagong labas na music video ang SB19 kung saan si Stell ang kumakanta.
Kinanta niya ang theme song ng Meteor Garden (MG) in Tagalog version.
Sa TikTok, ibinahagi ng P-pop sensation ang 53-second clip of himself singing the Tagalog version of the MG theme song na Can’t Help Fallin’ (CHF), originally sung by Josh Santana.
Fresh from their concert sa Taiwan, Stell opened his short cover with the phrase “Sa letrang S” before belting out the song’s lyrics, accompanied by a minus-one track.
Humanga ang mga netizens at celebrities sa cover song ni Stell, with some even playfully poking fun at it.
Reaksiyon nila, “Grabe ka na, Dao Ming Su!”
“Good singer, do you do weddings? Like the groom?”
Ang MG ay ang hit na Taiwanese drama noong 2001. Pinangunahan ito nina Jerry Yan, Vic Zhou, Vanness Wu, Ken Chu as the F4 Boys at si Barbie Hsu (RIP) bilang Dong Shan Cai.
Ang SB19 ay nasa Taipei, Taiwan para sa kanilang world tour ng Simula at Wakas (SAW) concert.
Ang next nilang world tour ay sa California, Canada, Hawaii, Singapore, Dubai, at marami pang iba.
Comments