top of page

Sa edad na 74, happy ang love life… GLORIA, ENJOY-ENJOY LANG SA BATANG DYOWA, ‘DI FEEL MAGPAKASAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 28
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 28, 2025



Gloria Diaz - IG

Photo: Gloria Diaz - IG



Sa edad na 74, masaya at may love life ang 1969 Ms. Universe na si Gloria Diaz. 

Nang yumao ang kanyang mister na si Bong Daza, nakatagpo siyang muli ng bagong pag-ibig sa katauhan ni Mike de Jesus. Matagal na silang magkarelasyon pero wala silang balak na magpakasal at magsama sa iisang bubong.


Parehong nasanay sa kani-kanilang bahay sina Gloria at Mike. Mahihirapan kung sino sa kanila ang mag-a-adjust at maggi-give-up ng kanyang nakasanayang tirahan. 


Hindi ikinahihiya ni Gloria na mas bata ang kanyang karelasyon ngayon. Napaka-conservative raw nito, hindi umiinom, hindi naninigarilyo at may pagka-nerd, pero nagkasundo sila sa ugali.


Dahil masaya ang kanyang love life, blooming at inspirado rin sa kanyang career si Gloria Diaz. 


May mga offers sa kanya sa TV at pelikula. Kasama siya sa major cast ng Beauty Empire (BE) na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Kyline Alcantara at Ruffa Gutierrez. Bagay silang dalawa ni Ruffa sa BE dahil pareho silang beauty queen.



SOBRANG na-miss ng Pambansang Ginoo na si David Licauco ang ka-love team niyang si Barbie Forteza. Kaya naman, ganu’n na lamang ang kanyang saya nang malaman na magge-guest siya sa seryeng Beauty Empire (BE) na pinagbibidahan nina Barbie, Kyline Alcantara at Ruffa Gutierrez. 


Pareho silang excited ni Barbie na magkatrabahong muli. Maging ang mga BarDa (Barbie at David) fans ay natutuwa sa reunion ng kanilang mga idolo. 


Kahit guest lang si David sa kanyang role bilang si Javier sa BE, ngayon pa lang ay kinikilig na ang mga BarDa fans na mapanood ang kanilang mga eksena.


Samantala, marami ang bilib sa energy ni David na nakayang gampanan ang lahat ng kanyang commitments. Bukod sa kanyang showbiz career, may mga negosyo pa siyang inaasikaso at maging ang kanyang career sa basketball ay hindi niya napapabayaan. 


Pinaghahandaan ni David Licauco ang competition o laro ng kanyang basketball team.



GANDANG-GANDA kami kay Rhian Ramos nang dumalo siya sa Philippine Movie Press Club (PMPC) 37th Star Awards for TV na ginanap sa VS Hotel last Sunday. Mala-Audrey Hepburn ang kanyang ayos na bumagay naman sa kanya kaya napili siyang Female Face of the Night na nagkamit ng cash incentive mula sa Bingo Plus.


Nanalo rin si Rhian bilang Best Actress sa kanyang mahusay na pagganap sa seryeng Royal Blood (RB) ng GMA-7. 


Mukhang taon nga ng aktres ang 2025 dahil pinapirma rin siyang muli ng kontrata ng GMA Network. 


Maganda rin ang feedback ng mga viewers sa kanyang pagganap bilang si Mitena sa sequel ng action-fantasy na The Encantadia Chronicles: Sang’gre.


Mapa-bida o kontrabida, nagmamarka lagi ang pagganap ni Rhian Ramos. At bukod sa suwerte sa kanyang career, lucky din si Rhian sa kanyang love life at masaya sa piling ng nobyong si Sam Verzosa, isang successful businessman.



MASAYANG-MASAYA si Rochelle Pangilinan nang manalong Best Actress in a Single Performance sa 37th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for TV. Hindi niya inaasahan na ang katulad niyang dancer na bahagi ng Sexbomb Girls ay magiging ganap na aktres.


Noong nag-uumpisa pa lang siyang umarte ay pinagsikapan ni Rochelle na magampanan ito nang maayos. Pinangarap din niya noon na makatrabaho ang magagaling na artista sa pelikula at telebisyon. Kinarir niya nang husto ang pag-arte dahil gusto niyang maging ganap na aktres.


Magsisilbing inspirasyon kay Rochelle ang napanalunan niya. Magiging challenge sa kanya ang mga susunod niyang projects na gagawin. Kailangang patunayan niya na karapat-dapat siyang tanghaling Best Actress.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page