top of page

Ang tagal daw hinintay na mabuo sila… PARENTS NI BIANCA, TOGETHER AGAIN NANG MAMATAY ANG ASO NIYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 hours ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 28, 2025



Kris Aquino - IG

Photo: Kris Aquino - IG



Pampamilyang kuwentuhan naman ang ibinahagi ng former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Bianca de Vera nang mag-guest siya sa news magazine show ng ABS-CBN na Tao Po (TP).


Ibinahagi ni Bianca sa panayam ng host na si Bernadette Sembrano ang kanilang family setup.


Sa question-and-answer portion ng show, tanong ni Bernadette, “Very unique. ‘Yung living conditions n’yo ng pamilya mo. Akala ko hiwalay sina Mama at Papa (mo), but you live under one roof. How does that work?”


Sagot ni Bianca, “We have 4 floors. My dad is on the 2nd floor, ako po sa 3rd, and si mommy sa 4th. So, ganu’n po kami, sandwich po kami. We live under one roof pero my parents are no longer together.”


Kuwento pa ni Bernadette, may itinuturing na kapatid at best friend si Bianca, ang alaga niyang aso na si Peach. Pero biggest heartbreak din ni Bianca ang pagkawala nito habang nasa loob siya ng bahay ni Kuya.


Kuwento niya, “Nu’ng time na ‘yun na namatay si Peach, nakita ko rin po ‘yung parents ko together in one room, all three of us hugging for the first time in many, many years. So ‘yun, thankful din ako kay Peach kasi in a way, that was the moment that I’ve been longing for a very, very long time.”


Maraming netizens ang napahanga at pinusuan ang nasabing interview ni Bianca de Vera.


Saad ng isang netizen, “We love you, Bianca.”

‘Yun lang and I thank you.



Super proud ang dating basketball player na si Doug Kramer sa kanyang anak na si Kendra matapos ang Philippine Aquatics National Tryouts 2025.


Nagbahagi ng mga larawan si Doug sa kanyang Instagram (IG) account na nagpapakita ng kanilang masayang pamilya, kasama ang kanyang wife na si Cheska Garcia at ang kanilang mga anak na sina Scarlett, Gavin at Kendra.


Kasama sa video clip na ibinahagi ng proud daddy ang mismong paglangoy ni Kendra sa Olympic-size swimming pool.


Saad ni Doug, “To our Kendra, we’re so proud of you! How you’ve progressed in just two years of consistent swimming is truly admirable.


“The beauty of sports is that nothing is ever handed to you, you have to earn it. And when your time comes, no one can ever doubt you because you’ve put in the hard work and sacrifice every day. You truly reap what you sow.


“Remember that mommy and daddy are here for you every day and will always cheer you on. Kendra, your time will come! (heart emoji).”

Congratulations, Doug and Cheska! Bongga kayo sa pagpapalaki sa mga anak ninyo. 



MAS mabuting mabilis magpatawad at huwag pairalin ang ego. Ito ang paalala ng aktres na si Yasmien Kurdi sa kanyang social media post.


Aniya, “Life has a way of reminding us that pride serves no purpose in love. Arguments, hurtful words, and silent treatments may feel justified in the heat of the moment, but they only build walls that rob us of precious time. No mistake or flaw is ever worth losing someone you love. What matters most is compassion, patience, and choosing peace over pride.


“So forgive quickly, love loudly, and never let your ego silence your heart. One day, time will run out, and no apology will be heard, no hug will be returned. Say sorry when you can. Say ‘I love you’ while they can still hear it. Because love is not about winning an argument—it’s about never losing the person who matters most.”

Very well said, Yasmien Kurdi. Pak na pak ka d’yan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page